James Reid, nagseselos sa mga sexy photos ni Nadine

James Reid

SELOSO pala talaga si James Reid lalo na sa girlfriend na si Nadine Lustre.

Kung nasusundan ninyo ang mga social media postings ng dalaga sa kanyang Instagram account, makikita na paseksi ng paseksi ang mga photos na sini-share ng ni Nadine sa kanyang mga fans na tuloy, iisipin ng nakakakita na very liberated ito lalo na si James na tila “walang paki” sa mga revealing photos ng girlfriend.

Napag-alaman namin na hinahayaan pa rin ng guwapong aktor ang girlfriend sa kung anuman ang gusto niya i-post. Kumbaga, may freedom si Nadine.

Pero kung sa tingin ng binata na tila “over” na ang kaseksihan ang mga photos, doon na siya nakikielam sa girlfriend.

Ayaw man aminin ni James na super seloso siya, “parang ganun na rin,” paliwanag niya in Filipino with an Aussie twang.

Magkahiwalay man ang dalawa sa kani-kanilang film projects ay hindi isyu para sa dalaga. “We want to grow as an actor,” paliwanag ni James sa isang interview.

Nadine Lustre and James Reid

First film project ni James ang pelikulang Miss Granny with the Pop Princess Sarah Geronimo na hindi sila magkasama ng lady love niya na si Nadine.

Si Nadine naman ay nagsimula na mag-shooting ng solo film project niya minus James na “Ulan”.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.