James Reid & Nadine Lustre: Viva’s Teen Sweethearts

Nadine-Lustre-James-ReidJAMES REID

Real Name: Robert James Reid

Birth Date: May 11, 1993

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

NADINE LUSTRE

Real Name: Nadine Alexis Paguia Lustre

Birth Date: October 31, 1993

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

AMININ NA natin – isang malaking question mark sa moviegoers ang lead stars ng Diary ng Panget. Ito ang bagong pelikula mula sa Viva Films na hango sa best-selling teen novel series na sinulat ni HaveYouSeenThisGirl sa Wattapad. Maraming teenagers ang kinilig sa love story nina Cross at Eya, na gagampanan sa big screen ng Viva talents na sina James Reid at Nadine Lustre.
Sa totoo lang, hindi na maituturing na newbies sa showbiz ang dalawang bagets. Si James Reid ang Grand Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition III (kung saan din nanggaling sina Kim Chiu at Ejay Falcon). Imbes na karirin ang pagiging teen star, mas pinili nitong mag-concentrate sa music. Si Nadine Lustre naman ay miyembro ng teen singing group na Pop Girls. Lumabas din ito sa ilang programa ng TV5. Ka-join din sa cast ng pelikula sina Andre Paras at Yassi Pressman.
Bonggang pressure ang nadarama nina James at Nadine, pero may potential ang dalawa lalo na kung ang trailer ng pelikula ang pag-uusapan. Maaaring kuyugin sila ng loyal KathNiel fans ng Kapamilya network dahil malaki ang pagkakahawig nila, ‘huh!
Hindi kami sure kung taken na ba in real life sina James at Nadine, but what if they’re both single and ready to mingle? May chance din kaya tulad ng mga karakter na kanilang ginagampanan sa pelikula?

Malakas ang attraction sa pagitan ng Taurus at Scorpio. Sa katunayan nga, ito ang isa sa pinaka-intelihenteng pagsasama sa zodiac. Parehong may pagka-possessive ang dalawa, pero mas madaling magselos ang Scorpio. Mas demanding pagdating sa emotional attachment at intimacy ang Scorpio, na maaari nilang pag-awayan ng Taurus.

Isa rin sa negative traits na similar sa kanila ay ang pagiging mainitin ang ulo. Hirap ang dalawa na i-express ang kanilang nararamdaman kaya ang kadalasan na ending ay pagsabog. Boom! Kailangan nilang matutunang mag-open up sa isa’t isa. Open communication and understanding ang kailangan ng dalawa para maiwasan ang mga problema. Ayaw rin nila na sinasakal sila kaya nararapat lang na may ‘space’ sila kahit paano.

Para tumalab at tumagal ang pagsasamang ito, kailangang magsanib-puwersa ang dalawa para gumana ang kanilang tambalan. Dahil karamihan sa kanilang common traits ay ang ‘negative’, hindi pa rin maa-assure ng mga bituin na happily ever after ang ending nito. Minsan nga, kahit ang simpleng paglalandi sa iba ay puwede na nilang pag-awayan. Ma-overcome lang nila ito, puwedeng-puwede na!

Well, may pagkakahawig pala sa love story nina Cross at Eya kung sakaling karirin nina James at Nadine ang pag-ibig, eh! May potential, pero karir muna ang atupagin, ha? Rare sa showbiz na mabigyan ng teen movie ang mga wala pang napapatunayan sa TV ratings. Chance n’yo na ‘yan kaya karirin na muna ang trabaho bago pag-ibig!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

5 thoughts on “James Reid & Nadine Lustre: Viva’s Teen Sweethearts

  1. Hindi naman kasalanan ni Nadine na mag kamukha sila ni Kathryn Bagamat mas matanda naman si Nadine kay Kathryn Dahil si Nadine ay 20 at Si Kath naman ay 18.
    At di naman ginagaya nila Nadine ang Kathniel Dahil iba naman ang sweeteness ng “JaDine” sa “KathNiel”……..

Leave a Reply

Your email address will not be published.