James Reid & Julia Barretto: Just Me & You

James-Reid-Julia-BarrettoJAMES REID

Real Name: Robert James Reid
Birth Date: May 11, 1993
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

JULIA BARRETTO
Real Name: Julia Francesca Barretto Baldivia
Birthdate: March 10, 1997
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

NAAALALA N’YO ba ang pelikulang Para Sa Hopeless Romantic? Ito ang huling pelikulang pinagbidahan ng tambalang JaDine na sinalihan nina Iñigo Pascual at Julia Barretto, na bet ng Dos na gawing next Piolo at Claudine.
Proven na ang hatak sa box-office ng JaDine, pero hindi masyadong kinagat ng fans ang latest movie nila kahit pa sinaluhan sila ng dalawa pang young stars. May pa pinalabas ang pelikula and JaDine are scheduled to star in their first primetime series, pero may kumakalat na tsika that may either make or break their tandem!
Bali-balita ngayon na naispatan daw sina James Reid at Julia Barretto na nagde-date. Huli! When Nadine was asked about it, wala siyang confirmation o denial. Klaro naman daw sa fans na ‘reel’ lang ang kanilang tambalan. Hmmm… so what nga kung sina James and Julia na nga? Worth it ba?

Ang Taurus at Pisces ay parehong malawak ang pag-uunawa, laid-back ang personality, at may disposisyon sa buhay. Gusto nila na swabe lang ang daloy ng mga relasyon nila mapa-pamilya man, kaibigan, o kasintahan. Ang Toro ay maiinlab sa pagiging malambing, mabait, at pakikiramay sa iba’t ibang tugungin ng Isda. Sa kabilang banda, ang Isda naman ay mabibilib sa katapangan, lakas, at kahusayan ng Toro.

Dumako naman tayo sa kanilang pagkakaiba: Mas tipo ng Taurus ang simpleng pamumuhay, samantalang magara naman ang peg ng Pisces. Masyadong maraming gustong gawin ang Pisces na umaabot sa puntong nawawala ito sa focus, samantalang naniniwala naman sa ‘one step at a time’ na kasabihan ang Taurus. Kahit pa ganito ang kanilang pagkakasalungat, masasabi naman na compatible pa rin ang dalawa dahil ang pagiging praktikal ng Taurus ang p’wedeng dumisiplina sa paiba-ibang timpla ng Pisces.

Sa totoo lang, bongga ang tambalang ito! Isa ito sa magkapares na malaki ang potensyal na mauwi sa kasalan (ahem.. ahemm…). Mutual ang kanilang passion at susuportahan nila ang isa’t isa no matter what. Pareho rin silang romantic kaya walang magiging problema kung labing-labing time ang pag-uusapan. Ipararamdam ni lalaki na siya ang tunay na ‘knight in shining armour’ at parang prinsesa lang sa isang happily ever after ending na fairy tale ang peg ni ateh.

There you go! Meron naman palang rason para manginig ang JADINE loyalists sa kaganapang ito! Dahil parehong umi-English at mukhang mahilig pumarty, eh ‘di push na ang James-Julia in real life!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

3 thoughts on “James Reid & Julia Barretto: Just Me & You

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.