James Reid, gagawing special ang ‘experience’ nila ni Nadine Lustre sa Paris

James Reid, gagawing special ang 'experience' nila ni Nadine Lustre sa ParisNasa Paris ngayon ang magsing-irog na sina James Reid at Nadine Lustre.

After ng successful show nila sa Middle Est last week na handog ng TFC (The Filipino Channel), next destination na iko-conquer ng JaDine ay ang Europa, kung saan may series of shows ang dalawa.

Sa Sabado de Gloria (March 26) ay magko-concert ang dalawa sa ExCel London, pero prior to the show ay may press conference ang dalawa (Maundy Thursday) sa local Pinoy media at sort of meet and greet with JaDine fans.

Pero aside from work, sa Paris ay tutuparin ni James Reid ang pangako niya kay Nadine na gagawin niyang “special” ang experience ng kapartner.

We just don’t know kung papaano gagawin ni James na maging special ang biyahe nila ng girlfriend sa City of Lights.

Pero knowing James na mahilig sa sorpresa, magugulat na lang tayo sa magiging paandar niya kay Nadine.

Sa pagbabalik nila ng Pilipinas, tuloy ang pagtatapos ng shooting nila ng kanilang bagong romcom na pelikulang “This Time” sa direksyon ni Nuel Naval.

Habang nasa Europe ngayon ang dalawa, ginagawan na ng paraang ng TFC na mapagbigyan ang request naman ng mga Pinoy fans ng dalawa sa USA at Canada na dalhin ang concert nilang JADINE in LOVE, tulad sa ginawa ng Kapamilya Network na inuna muna ang Middle East at Europe.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKathryn Bernardo at Daniel Padilla, mas matured sa ginagawang pelikula
Next articleNadine Lustre, ‘di kailangang magpaliwanag sa ‘pambubulyaw’ sa 2 fans

No posts to display