James Reid at Tricia Santos ng PBB, nakatanggap ng bonggang IPAD mula sa isang fan

Ang mga baguhang artista na sina James Reid and Tricia Santos na nga kaya ang susunod na Kimerald? Kung sa pabonggahan nga naman ng fans, hindi pahuhuli ang mga tagahanga ng dalawa na tintawag na Jacia. Sa get-together ng fans ni Tricia sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon noong August 7, nakatanggap sila ng IPAD mula sa isang fan sa Canada. Saan ka pa? Hindi pa nga nai-launch ang dalawa bilang loveteam ay talagang napamahal na sila sa mga Pilipino sa buong mundo.

Bakit naman hindi? Itong si Tricia ay beauty queen material habang si James naman ay heartthrob na heartthrob ang dating. Si Robi Domingo nga ay nakapagsabi din na si Tricia ay talagang napakaganda.

Nagsimulang magkaroon ng maraming fans ang dalawa noong una pa lang na sinabi ni James kay Big Utol na crush niya itong si Tricia at lalo pang lumakas sa taong-bayan noong nag-ala prince charming si James noong birthday ni Tricia na walang ni isang Pinoy housemate ang dumating. Naging trending topic pa nga si Tricia sa Twitter worldwide pagkatapos ng episode ng kanyang kaarawan. Bongga, times two na naman!

Ano na kaya ang susunod para sa dalawa? Mabibigyan kaya sila ng proyekto ng ABS-CBN? Sana naman. O, baka mula sa IPAD ay maging I LOVE… YOU… na! Abangan!

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleSa paghawak… Ingat! (John Lloyd Cruz)
Next articleMaxene Magalona, Roco Roco ha?!

No posts to display