James Reid at Nadine Lustre, walang pahinga sa kanilang series of concert

James Reid and Nadine Lustre

James Reid and Nadine Lustre

Nakasalubong namin sa labas ng Rustan’s Araneta si Iggy, dating kasamahan namin sa Cristy “Per Minute” noon na ngayon ay bahagi na ng ABS-CBN Special Events.

Kasama si Iggy sa Middle East and European series of concerts nina James Reid at Nadine Lustre na handog ng TFC sa mga kababayan natin.

“Super kapagod pero enjoy. Ang saya namin,” kuwento ni Iggy sa amin.

Kung inaakala ng marami na bakasyon ang ginawa nilang pagbiyahe to bring entertainment sa mga kababayan natin ay nagkakamali ang marami.

Kaya nga si James Reid, naka-schedule magbakasyon this coming July after ng Cebu City concert nila ni Nadine na JADINE in LOVE na nagsimula nga sa Araneta Coliseum.

Mabuti raw at energetic sina James at Nadine Lustre, dahil kung mahina ang resistensya mo, malamang sa hindi, magkakasakit ka sa sunud-sunod na activities while on tour.

After ng Cebu concert nila at pagbabakasyon ng dalawa ay may ginagawa at tinatapos pa silang movie na “This Time” mula sa direksyon ni Ruel Naval.

This year ay isasagawa ang malalaking series of provincial concerts ng dalawa at kabilang na nga rito, bukod sa Cebu, ang Bacolod, Davao, Iloilo (‘yun lang ang naalala ko habang isinusulat ko ang column item na ito), at siyempre ang pagbabalik ng tambalan nila sa telebisyon para sa Kapamilya Network na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na.

I’m sure super kilig ito. Kung sa “On The Wings of Love” ay kinilig na tayo at wala pang relasyon ang dalawa noon, what more ngayon na confirmed na may “love” na involved sa relasyon nilang dalawa? E, ‘di mas super sweet na at baka langgamin ka pa na bawal sa mga diabetics.

Today April 11 ay 2nd monthsary ng love nina James at Nadine sa isa’t isa.

Last month nag-date sila ng kanilang monthsary sa Tagaytay. Today kaya, saan sila magse-celebrate?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “James Reid at Nadine Lustre, walang pahinga sa kanilang series of concert

  1. Hindi lang po yan ang concerts nila. Nilabas na ng VIVA Live ang official schedule ng Jadine concerts sa US at Canada. Meron silang total of 14 concerts in 12 major cities in US/Canada in one month-May 14 to June 12. Las Vegas, San Diego, San Francisco, LA, New York, Winnipeg, Toronto, Washington DC to name a few! Ang bongga, walang pahinga ang Jadine. Kaya happy and proud lang po as a Jadine fan!

  2. WEHEHEH HEHHEH TAMA KA WRITER SILA NA KASI NGAUN ANG NO. 1 LT AT PINAKASIKAT WEHEHEEH HEHHE SORRY NA LANG SA ALDOG NASA NO. 4 NA LANG KAYO HEHEHE WHEEHEEEHH

    PATI ANG INDORSEMENTS NG ALDOG NGAUN AFFECTED NA RIN AT ISA ISA NG NATITIGOK AT NO RENEWAL NA HEHEHEH HEHEHEH

    WELL ANO PA BANG MAASAHAN SA KANILA LOSER NA LOSER NA ANG KALYOSERYE HEHEHEHE

    • Hihihi mag ilusyon ka lang baklang uod hihihi…at Hindi magkaaway ang jadine at aldub kaya supalpal ka. Eh ang number 4 na sinasabi mo at sakangniel hihihi

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.