James Reid at Nadine Lustre, kampante sa kanilang on screen romance

Nadine-Lustre-James-ReidHindi man magkarelasyon in real life sina James Reid at Nadine Lustre, tanggap ng mga fans na on the big screen lang sila puwedeng magkatuluyan. Sila ngayon ang hottest love team ng local cinema. Everytime na may romantic, kilig scenes sila, walang malisyang nagagawa nila nang tama sa pelikulang “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin under the direction of Wenn V. Deramas ng Star Cinema at Viva Films, entry for MMFF 2015. Na-capture nga ni Direk Wenn ‘yung mga moments na akala mo may something sa kanilang dalawa. Super nag-enjoy sina James at Nadine sa pelikula dahil puro comedian ang kasama. Walang humpay raw magpatawa sina Vice, Lazzy, at MC on and off camera.

As a love team, hindi na nahihiya sina James Reid at Nadine sa isa’t isa dahil kampante sila sa pagiging mag-sweetheart sa telebisyon at pelikula. Katuwiran ng hunk actor, “Eversince na si Nadine ang naging ka-love team ko, I do really enjoy working with her. She’s very supportive in me, sometimes may mga scenes kami, awkward para sa akin. She makes me feel relax for the scene. Thanks to all the fans who always support us sa mga films at shows namin ni Nadine,” say ni James.

Maging si Nadine Lustre ay ini-enjoy ang tandem nila ni James. Ini-enjoy nila pareho kung anumang friendship mayroon silang dalawa. Ayon sa young actress, mas maganda raw na walang relasyong namagitan sa kanila ng actor dahil mas nakapagtatrabaho sila nang maigi. Happy na raw ang dalaga na best of friends sila ni James. Malalim na ang pagiging magkaibigan nila, nasasabi nila sa isa’t isa ang kanilang personal life.

Masasabing personal adviser ni James si Nadine pagdating sa lovelife. Alam ng dalaga kung sino ang past at present girlfriends ng hunk actor. Maging ang dalaga, ibinabahagi rin niya kay James ang kanyang personal life. Kilala nito ang dyowa ngayon ni Nadine, hindi naman ipinagkakaila ng young actress na may boyfriend siya.

What if dumating ‘yung time na ma-realize ni James na si Nadine pala ang kanyang destiny? “Well, let’s see… ayaw kong magsalita nang tapos. Right now, we’re enjoying each other’s company and we both treasure our friendship. I’m happy, si Nadine ang naging partner ko, I love her as my best friend,” sambit ni James.

 

SUPER NAMI-MISS ng media si Kris Aquino nang hindi ito nakarating sa presscon ng pelikulang “All You Need Is Pag-ibig” with Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Julia and Talia Concio, Bimby Aquino Yap, Ronaldo Valdez, Nova Villa, and Derek Ramsay. Parang naging tradition na ni Kristeta every year na may entry siya for MMFF and at the sametime, bonggang pa-raffle for the press ang ibinibigay niya. Katuwiran niya, share your blessings.

Nanahimik ngayon si Kris, malaking question mark ang naglalaro sa isipan ng media. May nagsasabing magkakaroon daw ng solo presscon and Queen of All Media with his leading man Derek and Bimby. ‘Yung iba, deadma lang, hindi raw magbibigay ng Pamasko si Kristeta dahil hindi lang siya ang bida sa pelikula. Pero marami pa rin ang umaasangf magpapasabog ng blessing ang magaling ng TV host-actress bago mag-Pasko.

Well, let’s see and wait what will happen. Ngayong Pasko, pasalamat tayo sa Panginoon sa walang hanggang blessing na dumarating sa atin. Sa ating pamilya, kaibigan na patuloy na nagmamahal nang totoo, walang pagkukunwari tulad ng mag-asawang Mayor Sandy at Karen Javier, Cynthia Cole, Mendoza Family, Madam Mayette, Joanna at Charles Yulo, Peterson Consebido, Boy Palma, Tita Nene & Bernard Poblacion, Sheila Queta, Shiela Vidanes, Pinoy Parazzi Family, Hataw Family, Police Files Tonite Family, Vince Tañada (Philippine Stagers Foundation), ABS-CBN, GMA-7. THANK YOU ALL FOR THE LOVE.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “James Reid at Nadine Lustre, kampante sa kanilang on screen romance

  1. Am sorry, I don’t want to believe the info about their personal lives. Is the interview /article updated? Call me indenial, but what we see now with them say otherwise. JaDine’s world may not be perfect but it is a happy place to be in.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.