James Reid at Nadine Lustre, ipinagpilitang best friends lang sila

James-Reid-Nadine-LustreANG GANDA ng tambalang JaDine (James Reid at Nadine Ilustre) sa telebisyon. Ang ganda nilang tignan lalo pa’t ang kauna-unahang serye nila ay hindi lang tipong pang-telebisyon, kundi aakalain mo na isang pelikula ang panonoorin mo ‘pag nagsimula na sa Lunes, August 10, ang romcom nilang On The Wings of Love.

Ang ganda kasi ng timpla nila sa television screen. Fresh na fresh na hindi naman nagpapaka-bagets tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o ‘di kaya’y magpaka-LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) pero may timplang kiliti na kaagad sila.

Ang totoo, kahit anong pilit na paaminin ang dalawa tungkol sa “something” na namamagitan sa dalawa, palagi nilang sinasabi na “best friends” sila na iisipin mo na puwede naman palang mag-click ang isang love team sa showbiz kahit hindi sila magkarelasyon sa totoong buhay.

Mas matured ang dalawa kaysa sa KathNiel at LizQuen love teams. Sa katunayan, “nice” para kay Nadine ang mga eksena nila ni James dahil palaging shirtless ang binata na wala itong takot at hindi nahihiya or nako-conscious na ipakita ang kanyang sexy na panangatawan with matching abs pa. Maging ang aktres na si Cherry Pie Picache who plays aunt ni Nadine sa romcom ay kinikilig din sa kaseksihan ni James.

Tama lang ang sagot ng dalaga kung bakit hindi sila magkarelasyon ni James at kung bakit ayaw nila pareho. Tama lang dahil kung magkarelasyon sila, baka magkaroon sila ng tampuhan or mag-away, masisira lang ang diskarte nila sa kanilang trabaho. “Best friends po kami,” pahayag ni Nadine.

Mabuti na lang, mas malawak ang pag-uunawa ng mga fans ng dalawa na kahit wala silang “something” sa isa’t isa sa totoong buhay, tanggap sila ng mga fans at supporters nila.

Simula sa Lunes, pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo ng KathNie, may bagong romance sa telebisyon na naman tayong mapanonood. Good vibes ang dalawa. Very positive sila kaya wagi!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAlden Richards at Yaya Dub, parehong na-reject sa PBB
Next articleSarah Geronimo, malakas na ang loob na mag-PDA with Matteo Guidicelli

No posts to display