JAMES BLANCO, WALANG GAY BENEFACTOR!

SA RED CARPET press conference ng pinakabago at pinakamainit na dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak, happy kami na muling nakabalik sa telebisyon ang magaling at guwapong actor na si James Blanco.

Nag-lie low sa showbiz si James dahil nag-asawa siya at nag-concentrate sa kanyang negosyo. Ngayong balik-telebisyon na siya, ano kaya ang kanyang pakiramdam?

“Ngayon lang ulit ako nabigyan na magkaroon ng regular show, para akong baguhang artista, na-miss ko ang mga interviews, na-starstruck ako, sobrang nakaka-miss!” sey ni James.

Kumalat sa mga tabloid at blind items na umano ay may gay benefactor siya, ano kaya ang reaction niya tungkol dito?

“’Yun na nga, eh, sa buhay ng artista katambal na ‘yang ganyan, ‘yung gay benefactor. Maganda naman ang trabaho ng wife ko. Ako, meron naman kahit papaanong naipundar. Natatawa na lang ako ‘pag naririnig ko ‘yung mga ganyang isyu.

“Nung wala akong work, palagi ko namang kasama ang family ko. Tinatawanan ko na lang ‘yan. Sino ba naman ang may ayaw ng pera? Pero sa malinis natin dapat gagawin.”

On the rocks daw ang kanyang marriage, may katotohanan ba ito?

“Parang wala namang isyung gano’n. Alam mo, ‘yung wife ko mismo ang tumatawa sa ganyan, ‘pag nababasa niya ang mga intrigang ganyan, nakakatawa!”

Malinaw, mula na mismo kay James, walang gay benefactor at hindi totoong on the rocks na ang kanyang marriage. Good luck na lang sa pagbabalik-telebisyon, James!

BLIND ITEM: KINSA siya? Sino itong young actress na sa isang event ay  ipinipilit ng kanyang handler na meron siyang sakit at hindi puwedeng ma-interview?

Launching ang event na ito ng kanyang bagong endorsement kasama ang iba pang naggagandahang mga artista, kaya kaila-ngang makakakuha ang mga TV crew ng soundbytes mula sa kanya, para naman ma-invite niya ang publiko upang tangkilikin ang produktong ini-endorse niya.

Nagkataong may issue ang actress na umano’y niligawan siya ng isa pang young actor na guwapo at ayaw raw nitong matanong tungkol sa actor, kaya pinalabas nito sa mga press na meron siyang sakit.

Nang palabas na nang venue ang young actress, mega habol naman ang mga TV crew at iba pang press people at nakorner nila ang aktres sa isang sulok. Nakaismid pa ito at tipong may sakit kung pagmasdan ang kanyang hitsura, pero nang nag-ilaw na ang mga cameraman, kuntodo ngiti na ang young actress at game na game na sumagot sa katanungan ng press.

Naku, ‘day, nag-iisa ka lang talaga sa pagiging mataray!

ISA SA PINAKAMAINIT na loveteam nga-yon sa Kapuso Network ay ang tambalang Elmo Magalona at Julie Ann San Jose. Kaya naman happy itong si Elmo na napansin at unti-unting tinatangkilik ng publiko ang kanilang tambalan.

“It was really unexpected. It wasn’t like planned or something. Nangyari lang. Marami ang nagkakagusto, so thankful talaga ako,” sey ni Elmo.

Nag-level up na ba ang kanilang loveteam at papunta na sa totoong ligawan?

“No. We’re friends right now. Don’t have to rush things.”

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.