Focus: Jamby’s Show… Jamby’s Time… It’s Jamby’s Showtime!

KARAMBOLA ANG MGA senador nitong mga nagdaang sesyon sa Senado. Dinaig pa ang sirkus sa kanya-kanyang palabas, at mayroon pang ayaw paawat kaya’t pabalik-balik sa stage… este, sa podium para magpakitang-gilas.

Gaya nga nitong magilas na si Senadora Jamby Madrigal na hataw na hataw sa floor at sobrang taas ng energy, huh! Nag-shine nga siya sa showdown ng mga senador – lahat na yata ng klase ng emosyon, lumabas na sa senadora.

Eh, na-impress naman kaya ang mga hurado? Para kasing nagmukhang palengke ang buong session hall, at tila nakalimutan ng mga magigiting na senador na ‘kagalang-galang’ ang kanilang posisyon at ang institusyong kinabibilangan nila.

Sabi pa nga ng makakating-dila sa inasal ni Jamby, para raw siyang hindi tumatakbo sa pagkapangulo. Para nga raw siyang panggulo lang sa kung paano niyang binulabog ang buong sesyon ng Senado.

Kung sa Senado ay nagagawang ipakita ni Jamby ang kanyang ‘unparliamentary’ acts, ano pa kaya sa Malacañang?

Ni Dani Flores

PHOTOS BY RUDY RABULAN

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.