Jake Vargas, zero pa rin ang lovelife, after Bea Binene

Jake Vargas

Jake Vargas

Mali raw ang bali-balitang may non-showbiz girlfriend ang Kapuso teen actor na si Jake Vargas, dahil until now ay single pa rin ito since nag-break sila ni Bea Binene.
Ayon nga kay Jake nang makausap namin kamakailan sa GMA Compound habang break sa workshop nila for “Oh My Mama”, “Wala akong lovelife ngayon, matagal nang wala. Nagulat nga ako sa balita na may non-showbiz girlfriend ako, kasi wala naman talaga.
“Siguro, ‘di pa time. Ayaw ko namang madaliin. ‘Di naman kasi ibig sabihin na wala ka ngayon, kailangang maghanap ka.
“Naniniwala kasi ako na hintay-hintay lang at darating din ang tamang tao para sa ‘yo. Eh, wala pang dumadrting. Hahaha! Kaya heto, nag-aantay lang. Sa ngayon, trabaho lang muna ‘yung  pinagkakaabalahan ko.”

Sa ngayon daw ay happy si Jake dahil may bago siyang soap bukod sa regular show nito na “Pepito Manaloto”.

“Nagpapasalamat ako, kasi lagpas isang taon yata akong nawalan ng soap. Buti nga may bago na akong soap, ‘yung “Oh My Mama”, may bagong trabaho ulit.”
Excited na nga raw itong makatrabaho ang anak na babae nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen.

“Excited po akong makatrabaho si Inah, kasi first time ko siyang makakatrabaho. Hindi pa kami nagsisimulang mag-taping , pero nagkakasama na kami sa workshops ng “Oh My Mama”. Okey naman siya, mabait, maganda, at magaling umarte, mana sa parents niya na mahuhusay umarte.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.