Jake Vargas, may product endorsement na!

UNANG-UNANG NABIGYAN ng product endorsement ang guwapitong anak-anakan ni Kuya Germs na si Jake Vargas sa taong ito ng BNY jeans and shirts na gumagawa ng tops ang bottoms garments. Talaga umanong napili ang binata dahil sa kanyang mga katangian, a tropical teen-ager, guwapo, malambing, approachable at magaan ang dating para sa kanila, at bagay na bagay lamang sa kanya ang produkto.

Ito pa lamang ang unang endorsement ni Jake, ngunit kabi-kabila na rin ang kanyang mga project at halos konti na lamang ang kanyang nagiging pahinga. Bukod sa regular niyang taping sa teleseryeng Alice Bungisngis bilang ka-loveteam ng bidang si Bea Binene, may taping pa rin siya ng Tween hearts, iba pa ang mga guestings sa iba’t ibang programa ng Siyete.

Natanong siya tungkol sa pagmo-model, dahil sa mayroon na rin siyang billboard ng BNY sa EDSA, posible raw ba na magpa-sexy na rin siya o maging cover ng isang sexy magasin for women?

“Malayo pa po sa isipan ko ang ganoong bagay, pero bakit po hindi. Pero may tamang panahon po ‘[yun at hindi ‘yun ngayon,” natatawang sagot ni Jake.

 

loading...

One thought on “Jake Vargas, may product endorsement na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.