Jake Vargas, ibinuhos sa pagdo-DOTA ang pagkairita kay Bea Binene

ANG DAMING naintriga sa inilabas namin sa Startalk na nawala raw si Jake Vargas ng ilang araw.

Ang unang balitang nakarating, nagtampo raw ito sa pamilya niya at pati kay Kuya Germs kaya naglayas daw ito at tumigil daw ng ilang araw sa barkada niya.

Ang isa pang tsismis, nababaliw raw ito sa girlfriend niyang taga-ABS-CBN 2 na ikinagalit siyempre ni Kuya Germs.

Nakausap ng Startalk si Kuya Germs at sabi niya nagtampo lang daw ito kay Bea Binene kaya nawala raw ng isang araw lang.

Silang dalawa na ba? Akala ko loveteam lang sila, pero mukhang seryoso na pala ang relasyon at meron nang ganu’ng tampuhan?

Si Kuya Germs lang ang nagsagot ng isyung ito, pero nu’ng nakaraang Linggo sa pilot episode ng Sunday All Stars ay nakausap ng Startalk sina Jake at pati si Bea.

Du’n pa lang sa SAS studio ay pinagbati na silang dalawa ni Kuya Germs dahil meron nga silang tampuhan.

Ang sabi nga ni Kuya Germs parang Guy and Pip lang daw.

Sabi nga ni Jake, nagtampo raw ito kay Bea dahil meron nga silang lakad pero hindi ito natuloy. Kaya umalis daw ito na walang paalam, at inilagay daw sa plane mode ang cellphone niya at nagbabad sa bahay ng barkada niya at naglaro raw ng DOTA. Nakakaloka siya, huh! Sa DOTA na lang niya ibinuhos ang irita niya.

Sabi ni Jake, tatlong araw Raw siyang nagpahinga dahil wala naman daw siyang taping sa Home Sweet Home. Pero minsan ay naiisip daw niyang parang napagod na siya at na-burnout kaya nawala lang muna ito ng isang araw para makapagpahinga lang.

Siguro may mga panahong medyo nairita lang si Jake kaya naisip nitong magpahinga lang muna. Pero kapag nakakaisip daw siya ng ganu’n, binabawi naman daw niya dahil alam naman niyang marami ang umaasa sa kanya, kaya kailangan niyang magtrabaho, ‘no!

Pero iniisip daw niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos ng kurso.

Si Bea raw ay kinukumbinsi rin daw siyang ipagpatuloy ang pag-aaral kaya pinag-iisipan na ito ngayon ng young actor.

Ngayon, ang isyu naman ng dalawa, dini-deny naman nilang sila na. Naging close lang daw sila dahil madalas silang magkasama sa taping ng Home Sweet Home at siyempre magka-loveteam sila.

Sabi ni Bea, hanggang bestfriends lang daw talaga dahil mas priority raw nila ang trabaho. Sabi naman ni Jake, paminsan-minsan daw ay nililigawan niya si Bea, pero sa ngayon daw ay friends lang sila.

Hay, naku! Hindi na bago ang ganu’ng drama sa mga young stars na magka-loveteam.

NAG-ENJOY NAMAN ako sa pilot episode ng Sunday All Stars nu’ng nakaraang Linggo.

Ang gaganda ng mga production number na ginawa ng Kapuso stars. Proud naman ako kay Mark Herras dahil siya ang napiling Best Performer nu’ng araw na ‘yun.

Nakatutuwa rin dahil impressive ang performance ng anak ni Benjie Paras na si Andre.

Nakita lang nilang magaling mag-rap si Andre sa Startalk, kinuha agad ito para mag-guest sa SAS. Bongga naman ang performance ng bagets.

Marami tuloy ang curioius kung gaano na naman kaganda ang SAS sa Linggo dahil lahat kinakarir ang bawat production number na pinaghahandaan nila.

Abangan na lang natin sa Linggo.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Jake Vargas, ibinuhos sa pagdo-DOTA ang pagkairita kay Bea Binene

  1. Echuserang palaka pat abs cbn ginagamit lagi ning mga starlet ng kapuchu sa pagpropromo at pag gigimik nila palibhasa nga DAHU DAS

  2. UNANG UNA, KUNG AKO SI JAKE VARGAS MABUBUWISIT AKO SA PAGMUMUKHA NITONG BEA BENINE NA ITO HAHAHAHAHA! MUKHA NAMANG PINIPING MONAY HAHAHAHAHAHAHA!

    AT ISA PA, NAGPAPALAKAS LANG ITONG LOLIT SOLIS NA ITO SA GMA DAHIL DYAN LANG NAMAN SIYA MAY SHOW KESEHODANG PAPURIHAN ANG SUNDAY ALL STAR NA SA TOTOO LANG AY BASURA AT WALANG KWENTA HAHAHA! WALA NAMANG BAGO SA SHOW EH , LALO PA NGANG PUMANGIT AT NAGING BADUY ANG MGA PRODUCTION NUMBERS… AT SANA PAKILAGYAN NAMAN NG NAME TAG ANG MGA ARTISTA DUN KASI HINDI NAMIN KNOWS HAHAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.