Jake Vargas & Bea Binene: Lovebirds at Strawberry Lane!

Bea-Binene-Jake-VargasJAKE VARGAS
Real Name: Jhake Angelo Cunanan Vargas
Birthdate: July 9, 1992
Zodiac Sign: Cancer
Symbol: The Crab
Ruling Planet: Moon
Quality: Cardinal

BEA BINENE
Real Name: Beanca Marie Binene
Birthdate: November 4, 1997
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed

SIGURADONG NAGBUBUNYI ang mga loyal “JaBea” fans dahil pagkatapos ng matagal-tagal na paghihintay ay reunited ang dalawa sa Strawberry Lane, ang bagong primetime show ng GMA-7. Kasali rin sa nasabing palabas sina Joyce Ching, Kim Rodriguez, Rita de Guzman, at ang ex ni Jake na si Joanna Marie Tan.

Unang nagtambal sa ‘First Time’, nasundan ng TV shows as sweeties at kahit off-cam ay totohanan ang kanilang loveteam. Will it last forever? Check natin!

Gets na gets ng Cancer at Scorpio ang isa’t isa. Why? Pareho kasi silang intense at sandamakmak pa ang kanilang similarities. Ang pagkakasalungat nila sa ugali at personalidad ay hindi naman ganu’n ka big deal para mauwi sa bonggang fight, at madadaan ito sa masinsinang pag-uusap.

Masyadong concerned sa iniisip ng ibang tao ang Cancer habang ang Scorpio naman ay keber lang sa madla. Hindi rin agad nag-o-open up ng kanyang feelings ang Scorpio, na maaaring ikaduda ng Cancer. Kailangan nila ng love, loyalty and respect sa isa’t isa. Sa totoo lang, punung-puno ng romansahan ang pagsasamang ito. Once they start opening up to each other emotionally, magiging isang magandang relasyon ang outcome nito. Heart over mind din ang pinaiiral nila. Yes, ganyan sila ka-intense!

Sa totoo lang, ang love match ng lalaking Cancer at babaeng Scorpio ay isa sa maituturing na ‘perfect match’. Nag-uumapaw ang kanilang chemistry na lalo pang lalago sa pag-usad ng panahon. Ibibigay ni lalaki ang lahat ng security na kailangan ni babae, at susuklian naman ito ng tender love and care. Passion ba ang hanap mo? Todo-bigay sila at very open sa kanilang feelings with each other. Oo na, pasok sa banga itey!

Kaya naman pala, eh! Kahit maraming nagsasabi noon na masyado pang bata si Bea para makipagrelasyon kay Jake ay mukhang ok lang naman. Sila naman ‘ata talaga ang itinakda ng tadhana para sa isa’t isa! Who knows, love might grow fuller when they meet again at the Strawberry Lane. Kilig!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleAnne, nawalan ng boses
Next articleBeach body sa holiday season ng walang diet?

No posts to display