Jake Vargas at Bea Binene, nag-break dahil sa barkada!

NAUWI RIN sa hiwalayan ang 1 year and 5 months na relasyon ng Tweenhearts na sina Jake Vargas at Bea Binene, nangyari bago umere ang SAS (Sunday All Stars) last Sunday July 28, 2013.

Kuwento nga ni Jake na maraming bagay raw ang hindi nila pinagkakaunawaan ni Bea kaya naman daw nagdesisyon na silang mag-break.

“Kasi nandu’n na ‘yung pressure sa aming dalawa, ‘yung araw-araw lagi kaming nag-aaway, hindi na kami magkaintindihan kaya siguro nauwi na sa hiwalayan. Tsaka may mga tao kasi sa paligid na hindi magaganda ‘yung sinasabi sa kanya para magalit sa akin, kaya nagagalit siya. Kumbaga, nanggugulo lang, siguro hindi ako gusto para kay Bea. So, ako hindi ko na lang pinapansin.”

Pero may lumalabas kasing balita na ‘yung barkada mo raw ‘yung reason kaya hindi kayo nagkakasundo ni Bea?

“Ah, oo, tama. ‘Yun din ‘yung isang reason. Nasa showbiz tayo, eh. Marami tayong magiging kaibigan and at the same time magiging barkada. So, hindi mo puwedeng tanggalin sa sarili mo ‘yung mga kaibigan mo, especially kung magkababata kayo. Kumbaga, bata pa ako at hindi pa ako artista nand’yan na ‘yung mga kaibigan ko. Kaya parang ang hirap naman na basta-basta ko na lang layuan dahil gusto niya.

“Eh siya kasi, ayaw niya akong makisama sa mga kaibigan ko, parang bad influence daw sa akin. Pero sa tingin ko naman hindi. Dahil bata pa kami kaibigan ko na sila at wala naman kaming ginagawang masama. Kumbaga, nag-e-enjoy lang kaming magkakasama. Actually, sinubukan kong kalimutan sila para mapagbigyan ko siya. Pero hindi ko talaga kaya, kasi taga-Olongapo sila. Tsaka para sa akin kasi, kinalakihan ko na nakasama ko sila.”

 

KABILANG ANG grupong tinaguriang Trending Cutties sa tumanggap sa parangal sa katatapos na 33rd Dangal ng Bayan na ginanap sa PICC last July 30, 2013 na hatid ni Mr. Jake Navea.

Kasama ng UPGRADE na tumanggap ng award sina Mr. German Moreno, Madame Imelda Romualdez Marcos, Jake Vargas, Teejay Marquez, Pilita Corrales, Go Girls, John Nite, Elizabeth Ramsey, atbp. Bukod sa nasabing award ay ang grupo rin ang isa sa pinakabagong image model ng RoyQueen makers of tablets, speakers, headsets, atbp. Makakasa ng grupo bilang image model ang Tween star na si Teejay Marquez.

Nakatakda namang lumibot ang grupo sa Aug. 3 – SM Novaliches; Aug. 10 – Isetann Recto; Aug 11 – SM San Lazaro; Aug. 17 – Bulalo Fiesta Fairview; Aug. 18 – SM Dasmariñas; at Aug. 25 – SM Masinag.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Jake Vargas at Bea Binene, nag-break dahil sa barkada!

  1. I’m impressed, I have to admit. Really seldom do I knowledge a blog that’s each educative and engaging, and without a doubt, you have hit the toe nail on the go. Your notion is outstanding; the issue is something that not enough individuals are speaking intelligently about. We are very happy which i stumbled across this particular in my search for something with this.

Leave a Reply

Your email address will not be published.