Jake Vargas at Bea Binene, mas matibay na raw ang pagmamahalan

Bea-Binene-Jake-VargasBAGO PA man ang Valentine’s Day, may advance gift nang natanggap si Bea Binene mula sa boyfriend niyang si Jake Vargas. Isang puppy ang ibinigay nito sa kanya na pinangalanan niyang York.

Pagkatapos na maging shakey ng kanilang relasyon, tila matibay na nga ang bigkis ng pagmamahalan nila ngayon.

“Sana mas maging matibay na matibay na nga,” ani Bea. “Na huwag kaming magpapaapekto sa mga intriga at sa ibang tao na naninira. So, dapat strong kami lagi. And sana this would ba a happier and a better relationship kumpara sa dati.”

Gano’n pa man, alam din daw nila parehong normal lang sa sinumang magkarelasyon na nagkakaroon ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan.

“Hindi na lang namin iniintindi ‘yon. Binabale-wala na namin ‘yon. Kasi kapag kami ang nagkatampuhan, sandali lang. Siguro mga five minutes lang, okey na ulit kami.

“Hindi na tumatagal. Hindi na namin pinatatagal. Ako naman, kapag siya ‘yong nagtatampo… hindi ko siya tinitigilang kulitin. Kaya after a few minutes, okey na kami. Wala na ‘yong tampo niya.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Jake Vargas at Bea Binene, mas matibay na raw ang pagmamahalan

Leave a Reply

Your email address will not be published.