Jake Vargas, ang lalaking Nora Aunor!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo! Lapak! Usmak! ‘Yan ang tawag ko sa mga taong hindi ko feel. Tanong po n’yo sa mga Bicolano kung ano ang ibig sabihin n’yan. Kasi, ilang araw na akong gigil sa isang taong walang magawa, kundi ang makipag-away at magdemanda.

Medyo ibahin naman natin ang pag-uusapan natin. Medyo good side sa showbiz. Kasi, noong Sabado ng gabi na inabot na ng Linggo ng umaga, nanood ako ng Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs. Sabi ko sa sarili ko, nabuhay na ang lalaking Nora Aunor. Kasi, nasa kanya ang katangian ng isang superstar.

Hindi nagkamali si Kuya Germs na tutukan ang kanyang career, tulad noong pagtutok niya kay Nora Aunor noong nag-uumpisa pa lang. Hanggang nagyon, talagang walang tigil pa rin siya kay Nora sa pagsuporta. Nakita ko rito sa bata ang kanyang personalidad na magalang, walang ere kahit na medyo sikat na at talagang tinitilian, mapagkumbaba at marespeto. Ang nakakatuwa rito, kasi laging nakangiti, at mahal siya ng mga kasama niyang talents sa show.

Nakakatuwa ang mga talent ni Kuya Germs, kasi marami akong nakikitang potential na may ibubugang talento. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin maalis sa akin ang humanga sa mga talento tulad ni Nora Aunor, at ang sinabi kong lalaking Nora Aunor, walang iba kundi ang alaga ngayon ni Kuya Germs na si Jake Vargas.

Masuwerte ang batang ito, kasi kilala ko si Kuya Germs na halos 90% ng mga artistang nakikita mo sa TV, maliban sa mga galing sa talent search (nauso kasi ito nang mawala ang That’s Entertainment), halos lahat gumawa ng pangalan. Isa na d’yan si Isko Moreno na dating alaga rin ni Kuya Germs na ngayon ay vice-mayor na ng Manila.

‘Pag galing kayo kay Kuya Germs, it must be good! Kaya nakikita ko rito kay Jake Vargas na malayo ang mararating nito. Kasi kahit sino ang kapareha, tanggap ng tao, parang si Nora Aunor, kahit nabuwag na ang Guy and Pip, kahit sino ang kapareha, patok.

Kaya hangad ko sa batang ito ang tagumpay, kahit hindi ko pa siya nakikita nang personal. Napupulsuhan ko na malayo ang mararating nito. Kasi masunurin at nand’yan si Kuya Germs na nakaalalay sa kanya.

Ito ang tanging maiaambag ko sa kanya sa kanyang birthday, ang mabigyan ko ng puwang dito sa aking column, ang bigyan ng pagpapahalaga ang tulad niyang may maaasahan kang talento, at hindi nakapanghihinayang na suportahan.

Naaalala ko nga ang That’s Entertainment na halos lahat ng talento ay namamayagpag pa rin ngayon sa pelikula at telebisyon, maging sa larangan ng pulitika. Bakit kasi hindi ibalik ang ganitong paghubog ng mga talento na talagang marami ang natututuhan? Kasi nga naman on air nakikita mo ang kanilang talento.

Natutuwa naman ako kay Kuya Germs na kahit madaling-araw ang kanyang show ay marami pa rin ang tumatangkilik at natutuklasang talento tulad ni Jake Vargas. Dapat si Kuya Germs, balang araw ay hirangin na rin itong National Artist, dahil tunay na star builder.

Kudos, Kuya Germs! Isa ka sa dapat ipagmalaki sa showbiz at karespe-respeto. Dati nagtampo ito sa akin, kasi maraming nagparating sa kanya ng kung anu-anong negang balita. Isa lang ang masasabi ko, kung mayroon akong taong dapat igalang at irespeto, isa na diyan ang Master Showman na si Kuya Germs.

Again, to Jake Vargas, happy birthday, at ituloy mo lang ang magandang ipinapakita mo sa mga tagahanga mo, isa na ako, na nagsasabing nabuhay na ang lalaking Nora Aunor. Say mo?!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong actor na ito na kaya matagal nawala sa showbiz ay dahil sa ibang bansa pala ito nagtrabaho?

At take note, nakulong daw ito roon dahil naging dealer pala ito ng casino. At nakakaloka naman dahil may isyu raw kasi na nandaya ito roon sa casino.

Nakakawindang naman! Kaya pala almost matagal na siyang hindi natin nakikita. Sayang, magaling pa naman ito at pogibels pa. Pero buti na lang at okay na rin siya sa ngayon. Pak na pak naman kasi. Clue: naging asawa ito ng aktres na tinusuk-tusok ng payong. Hahaha!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

28 thoughts on “Jake Vargas, ang lalaking Nora Aunor!

  1. Grabe nman mgacomment nyo;(. Ako natutuwa kay Jake kse humble sya kahit sya yung pinakasikat sa Walang tulugan. Andun sya lagi sa likuran, hindi paimportante. Ang galing nya artista- natural ang akting. Sana lang pag aralan ni Jake maging articulate para d sya medyo nauutal at parang kulang lagi ang pagsasalita. Luv u Jake! I hope and pray for ur continued success.

  2. hahaha.. mdaming bashers pag sikat.. kc pag hndi.. wlang mag.cocoment at hndi kayu magbabasa sa artcle nato.. interasado kau kaya binasa nyu.. plastik! ugaling pinoy . pinoy pa naman dn ako.. awzt!! nkakahiya kau!!

  3. AT PWEDE BA ICOMPARE BA SI JAKE KAY DANIEL PADILLA? OMG! NANALO NGA SI DANIEL SA YAHOO AWARDS, SI JAKE? MAY NAPANALUNAN? AT TOP RATING DIN ANG PRINCESS AND I, HUH! SI JAKE? HAHAHAHA! MGA BITTER TUMIGIL KAYO!

  4. IHA DE PUTA… may masulat lang kung anik2 n walang kwentang article ang cnusulat… kasing tanda p nya ang BI nya….  ang layo rin ng pagkumpara ng isang “da who” sa isang superstar… ang gngwang suporta ni kuya germs “oo”… pero ang tawaging LALAKING NORA AUNOR… sobrang labo pa sa mukha ng swarding na to,,, hahahaha

  5. Palibhasa inggit kau, c0mpare b nman c jv kay daniel na mas wlang talent, hambog lang pinapairal 2lad ng mga fans. Nia. Haha. Kyo lang ata d naka2kilala sknya. Kc puro ebak pinapan0od nio.

    • hahahaha…. si daniel, walang talent? sigurado ka? okay, sabihin na natin na wala ngang talent, pero may platinum album…. eh ang jake mo, may napatunayan na ba sa music? kahit man lang sana bronze album, kung meron man non..?? hahahaha….

      • Pnaghambog ang boses na puro hangin ang lbas. Haha. First album plang ni jv is g0ld na. Unlike sa knya kau2x lang bumli. Pra mging gold. Ulol.

      • first album pa lang gold na..? sigurado ka? asan na? nasundan pa ba? hahahaha…. kami kami lang ang bumili? FYI, PLATINUM na….

      • BALIW ANG ISANG ITO!!! NALIPASAN N NMN NG GUTOM DAY WAG KASING SALSAL NG SALSAL SA PICTURE NI JAKE KUMAIN K NMN!!! KILALA NMN C JAKE XA KAYA UN ALAGA NI KUYA GERMS NA MALAKI RAW ANG NOTA HAHAHAH KYA NGA ALAGANG-ALAGA NI KUA GERMS EH MASABAW!!!!

    • hindi naman talaga dapat i-kumpara si daniel kay jake.. kasi si daniel matangkad, 17 pa lang 5″10 na ang height si jake 20 na kasing tangkad lang ni nora aunor at higit sa lahat kung karir ang pag-uusapan naiwan na ni daniel si jake ng milya milya kahit mas nauna pa si unano sa kanya.

    • HMMMM… NAKU IKUMPARA BA SI JAKE VARGAS KAY NORA AUNOR? EXCUSE ME, BAGO SIGURO SI JAKE PWEDE SI COCO MARTIN MUNA? MAS DESERVING NA TAWAGING NEXT NORA AUNOR. ME ACTING AWARD NA BA SI JAKE? ANSWER, WALA PA HAHAHAHA!

  6. Blind item : Romeo Vasquez na daddy ni Liezl ? Buhay pa ba siya ? Swarding, sigurado ka sa info mo ? Kasi, si Romeo Vazquez, tumira ng Seward, Alaska and nagtrabaho sa mga fish factory doon. Naglilinis ng salmon at saka parang nanghuhuli ng King crab sa Juneau. Pero, ang tagal na ito. Buhay pa ba siya ?

    • oo naman. buhay na buhay pa si romeo vasquez. pero ganun pala ang naging trabaho nya sa states? ang hirap naman pala ng pinag-daanan nya sa US para lang mabuhay.

  7. ang sinasabi ni tita sawarding ay kung pano bigyan ng suporta ni kuya germs si norakatulad din ng binibigay na suporta kay jake hindi sa dahil talaga namanmagaling na rarista si guy bakit nung nag uumpisa pa lang si guy magaling na ba syang artista, no dougth sa pag kanta talagang walang makatalo sa kanya, huwag muna kayo manghusga kasi hindi pa naman hinog na artista si jake at kaylan man hindi umiral ang libog ko kay jake at hindi ito alam ni kuya germs ito lang ang comments ko nung pinapanood ko sya sa walang tulugan nung birthday presentation nya nakita ko kung gaano siya pahalagahan ni kuya germs na katulad din nang pag papahalaga kay nora aunor, intindihin nyo muna bago kayo mag comment ng kung ano ano. usmak at lapak kayo.

  8. Ang alam ko isang mahusay na aktres si Ate Guy..ngayon itong Jake Vargas, di ko sure kung marunong umarte ang bata na ito..

    I-COMPARE ba?! Hellerrr…

  9. Baliw kba swarding wala namang career yang jake na yan para ikumpara mo sa isang norah bobito ka tlga d nga mahilera yan kila daniel padilla ke norah pa kaya shunga ka magkano kaya binayad sau ni mikrobyo

  10. Baliw kba swarding wala namang career yang jake na yan para ikumpara ko sa isang norah bobito ka tlga d nga mahilera yan kila daniel padilla ke norah pa kaya hahaha magkano kaya binayad sayung shunga ka

    • alam mo baliwag SAYS intindihin mo ang binabasa mo ha bago ka magngangawa, hindi sila nag kausap ni kuya germs at hindi pa nag kikita si jake vargas at tita swarding. sira ulo ka pala kaylan man isa si swarding sa hindi bayaran kung ano ang nkikita nya pinahahalagahan nya kung kapuri puri pupurihin kung hindi humanda ka.

  11. ang lalakeng nora aunor, TUMPAK kasi kasingtangkad lang sya ni nora, maliban don wala na. ilang taon na sa industriya hanggang ngayon UNKNOWN pa rin. palibhasa taga channel 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published.