Jake Vargas, aminadong napag-iiwanan ng co-tweens

Jake-VargasAMINADO RAW ang isa sa maituturing na cutest young actor sa bansa na si Jake Vargas na napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kapanabayang Tweenstar na ready nang tumanggap ng matured role sa mga proyektong ginagawa.

Tsika nga ni Jake nang makausap namin, “Kaya nga naiiwan na nila ako, kasi nga tumatanggap na sila ng matured roles. Pero ako, gusto ko ring kumawala du’n sa mga pagpapa-cute sa TV, at katulad nila, makakatanggap din ako ng medyo matured na role na. Napaghahandaan naman ‘yun, eh. Kung sila nga nagawa nila, alam kong kaya ko rin.

Siguro kung dumating sa akin ‘yung project na medyo role na pang-mature, ‘yun na siguro ‘yung time na dapat ko na ring gawin, dahil nagtitiwala na sa akin ‘yung GMA 7 na kaya ko nang gampanan ‘yun. Hindi naman nila kasi sa akin ibibigay ‘yun kung alam nilang hindi ko kaya. Kaya alam kong ibinigay nila sa akin ‘yun, kasi 100% ‘yung trust nila sa akin na kaya ko.”

Hindi kaya , kaya ka hindi nabibigyan ng matured roles sa ngayon, kasi baby face ka, batang-bata pa rin ang dating mo?

“Kaya nga dahil din siguro du’n. Kaya nga babaguhin ko na ‘yung looks ko para medyo mag-mature nang konti ‘yung hitsura ko at hindi ‘yung mukhang totoy na totoy,” pagtatapos ni Jake.

 

ISANG DANCE showdown entitled “Super Dance” ang magaganap simula February 1 sa Starmall Edsa-Shaw, Feb. 2 sa Starmall Las Piñas, Feb. 9 sa Starmall Alabang, at Feb. 22 sa Starmall San Jose, Bulacan sa pagsasama-sama at pagpapakitang-gilas pagdating sa hatawan sa dance floor ng tatlong newest and promising dance group na pangungunahan ng Full Force na kinabibilangan nina Lance Baldovino, Ali Islam, Yosh Libunao, Karl Almo, JM David, JB Lee, at Yno Merced .

Kasama rin ang High Dreamers na kinabibilangan nina Michael Napone, Derrick Manasan , Majed Al jadani, Dennis Litao, Sam Alonte, Bryan Santiago, at Jayvieh Agapito, at ang Elev8 na kinabibilangan naman nina Jeffrey Caramat, Ghino, Jay, Dee J, Renz, Maui Torcuator at Mjhay Mataeo.

Magiging espesyal na panauhin naman sa nasabing dance showdown ang Level Up Voyz na kinabibilangan nina Lanz Evasco, JV Suzara, Shiro Ogawa, Joshua Naval, JC Barrientos, Stephen Del Rosario, at ng 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Shaun Salvador at Jasper Dela Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Jake Vargas, aminadong napag-iiwanan ng co-tweens

  1. malaki na raw kasi ang ulo (sa itaas) ni jake kaya hindi naglelevel-up ang career hahahahahaha! pakabait ka muna kuya

Leave a Reply

Your email address will not be published.