Jake, Maja & Shaina: three of the hottest young stars

TODAY’S HOTTEST YOUNG stars Jake Cuenca, Shaina Magdayao and Maja Salvador guested on The Buzz’s 10th Anniversary celebration. Sila ang mga bida sa Villa Estrella which will be shown in theaters starting July 1.

Jake, Shaina and Maja have something in common when it comes to their showbiz careers. Maja is known as the dance princess and is regularly seen on ASAP ‘09 and May Bukas Pa.

Si Shaina naman ang isa sa mga bida sa number one afternoon teleserye na Kambal sa Uma where she plays Vira. Many were surprised when she posed sexy on the cover of Metro Magazine’s May issue.

Jake is one of the favorite leading men in ABS-CBN shows. He stars in the number one primetime teleserye Tayong Dalawa. In his new series Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla, Jake will play Elias Paniki. The series also stars Gerald Anderson, Coco Martin and Jolo Revilla.

Hindi rin lingid sa publiko ang kani-kanilang lovelife. Sinasabing hanggang ngayon ay masugid pa ring manliligaw ni Maja si Carlo Aquino. Shaina is happy with John Prats. Jake is still single although he was once linked with Bea Alonzo and Melissa Ricks.

Bumunot sina Jake, Shaina at Maja mula sa isang lumang baul ng tig-isang tanong na kanilang dapat sagutin para sa The Buzz’s True Confessions. Since it was Father’s Day, may kinalaman ang mga tanong tungkol sa kanilang mga ama. Hindi napigilan nina Maja at Shaina na maluha when they talked about their fathers.

One of the most memorable interviews I had on The Buzz was the very first television appearance of the young Maja. Ito rin ang nagbukas ng pinto para kay Maja sa mundo ng showbiz. We also covered the meeting of Maja and her late father, Ross Rival. Her father already passed away and Maja felt kulang pa ang oras na kanilang pinagsamahan. Sana raw ay nagkaroon pa siya ng maraming oras to be with him para maipakita niya kung gaano siya kabuting anak.

Shaina said she was proud of her father. “Hindi niya kami pinabayaan. We’re very proud of him. Mahal namin siya.”

Jake’s parents are based in Valencia, Spain. What if they ask him to return to Spain? “This is the work that paved way para maging mabuti, responsible at mapagmahal akong tao. They have TFC in Spain. My dad told me he’s very proud of me. It’s a big blessing na pinayagan nila akong ipagpatuloy ko ang aking career,” he said.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.