Jake Ejercito, pinagbawalang sagutin ang isyu nila ni Andi Eigenmann

NATAWA NAMAN ako sa mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na nagkaroon pa ng isyu ang kissing scene ni Lani sa pelikula nilang Flames of Love.

Si Baby Nebrida ang nakiusap sa akin na tanggapin ang alok kina Lani at Christopher de Leon na gawin ang pelikulang ito.

Nagustuhan naman ni Lani ang role at ang kuwento, pero merong kissing scene kay Alvin Anson dahil kailangan talaga sa kuwento.

Sabi naman ni Lani sa akin, hindi naman ganu’n ka-torrid ang halikan nila. Kailangan daw talaga, pero parang dampi lang ang halik niya kay Alvin. May bed scene din yata ito kay Boyet, pero alam n’yo naman ‘yung suggestive lang ang eksena.

Ginamit pala sa promo ng pelikula ang kissing scene na ‘yun at nakarating kay Bong.

Ayun na! Nag-react na ito at inaway na si Lani. Bakit daw tinanggap na alam naman ang katayuan nito.

Sabi naman ni Lani, naintindihan niya ang kuwento at kailangan talaga ang eksenang ‘yun. Kahit i-request niyang tanggalin na lang, hindi talaga puwede.

Tiniyak naman nitong hindi bastos ang eksena at at hindi malaswa ang pagkakagawa.

Siyempre, naintindihan naman ni Lani at hindi naman niya gagawin kung nakasisira sa kanya. Artista siya, ‘no! Kaya hindi isyu sa kanya na gawin ‘yun.

Kaya lang, nagselos na ang Bong, at nairita pa lalo dahil tawa lang daw nang tawa si Lani.

Feeling ko, kinikilig lang si Lani dahil nagseselos na ang dyowa! Parang hindi na raw kasi bagay sa edad nila ang nagseselosan.

Kaya ewan ko kung sasama si Bong sa premiere night nito para panoorin ang pelikula.

Hay naku! Natatawa na lang si Lani!

 

SI JOLO Revilla ang pinagkaguluhan sa presscon ng Metro Manila Film Festival nu’ng kamakalawa ng hapon.

Dumalo si Jolo sa presscon na ‘yun para i-represent ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng at si Ako. Kasali kasi siya sa pelikulang iyun, kaya tumutulong ito sa promo ng pelikula.

Hindi maiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jodi Sta. Maria. Naging open na kasi sila nu’ng dumalo si Jodi sa fiesta ng barangay nito sa Bacoor.

Basta masaya lang daw si Jolo at malaking bagay raw si Jodi na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

Kung ano man daw ang plano nila, saka na raw nila i-share ito sa atin. ‘Yun na!

PAGKATAPOS MAGSALITA ni Andi Eigenmann tungkol sa pakikipag-break sa kanya ni Jake Ejercito, pinagbawalan na raw ang huli na sagutin pa ‘yun.

Pati si Laarni Enriquez ay pinasasagot na rin dahil nagsalita rin kasi si Jaclyn Jose. Hindi raw kasi sila tanggap ng pamilya ni Jake.

Nakausap ko si Laarni para ipagtanggol ang panig nila. Medyo nagdadalawang-isip pa siya dahil sinabihan na raw siya ni Papa Erap na huwag nang magsalita.

Hayaan na lang daw na ang mag-inang Jaclyn at Andi na  ang magsalita, tatahimik na lang daw sila.

Pero kinukumbinsi ko pa si Laarni na magsalita. Kaya abangan n’yo na lang sa Startalk at baka meron din siyang statement para maipagtanggol naman ang anak niya, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Jake Ejercito, pinagbawalang sagutin ang isyu nila ni Andi Eigenmann

  1. At tsaka Lolit yong ibalita mo about your anak anakan na si Bong, bakit nag selos kay Lani?  E si Lani nagselos rin kaya dun sa mga chicks na nalink kay Bong na isinulat sa mga tabloid?  Parang one-sided yata, do you agree Lolit?

  2. E ano naman ang masasabi mo dun ke mom ni Jake na si Laarne na naanakan ni Erap when we all know na Erap is very much married to Loy?  Can you still M-I-S-T-R-E-S-S????

  3. ang TANGA nmn ng lalakeng ito! super sa kagwapuhan, sa isang gamit na at nayurakan na pumatol?! maghanap sana siya ng iba na birhen pa at siya mismo sisibak at una sa hiyas nung babae!

Leave a Reply

Your email address will not be published.