Jake Ejercito, ‘di pa rin sigurado sa showbiz

Jake Ejercito
Jake Ejercito

Kinumpirma ni Jake Ejercito na ang paglabas niya sa kalyeserye ng “Eat… Bulaga!” was just a trial kung ano at kung papaano ang showbiz. Kumbaga, he was testing the water kung anong meron sa showbiz.

Had a chance to make tsika sa kontrobersiyal na binata na hinahabul-habol ni Andi Eigenman, na lately dahil sa campaign season ay abala siya sa pagtulong sa kandidatura ng ama na si Joseph “Erap” Estrada na muling tumatakbo for reelection bilang mayor ng Maynila.

“It’s tiring,” kuwento ni Jake Ejercito sa amin nang makausap namin siya last Saturday evening sa 55th year birthday celebration ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Sa isang gabi raw, mahina na ang dalawang stage ang sinasampahan ng binata to help campaign for his dad. “Pero masaya. Makikita mo how happy sila, lalo na ang mga bata,” kuwento niya.

Sa ngayon, Jake is still in school taking up his masteral degree in business sa isang very exclusive school sa London (doon siya nagtapos ng undergraduate course niya in business) na may campus naman sa Singapore. “At least malapit lang. Hindi malayo unlike London,” sabi niya sa amin.

Mag-aartista ba talaga si Jake? “I’m not sure. Wala pa. Not yet. I’ll tell you when I’m decided after the election,” sabi ng binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDominic Ochoa, patok sa mga bata ang pagiging super hero
Next articleMag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, nagpasalamat sa mga tumulong na mapalaya ang mga magsasaka sa Kidapawan

No posts to display