Jake Cuenca, will wait for Melissa Ricks?

SUPRISINGLY, MARUNONG NANG umarte si Jake Cuenca, ramdam namin ang emotion na kanyang ibinibigay sa bawa’t eksena niya with Agot Isidro, Cherry Pie Picache and Ms. Helen Gamboa sa Tayong Dalawa. Alam mong may pinaghuhugutan ang binata kaya nagagawa nang tama ang madamdaming eksena niya with his co-stars.

“Maganda ‘yung opportunities na ibinigay sa akin ng ABS, sobrang naniwala sila sa akin na kaya kong i-portray ‘yung role ko as Dave. So, ginalingan ko talaga at saka blessed lang ako for having such opportunity.”

Sa totoo lang, binabilib ni Jake ang viewing public sa husay niyang umarte ngayon. “Pinaniwalaan ko lang kung ano ‘yung pinagdadaanan ni Dave. I tried to be very realistic with it, I don’t want to come up just acting the role, I want to be Dave talaga! Bale nag-homework ako for him,  saka pinasok ko lang talaga ‘yung emotion na pinagdadaanan nu’ng character.”

Nakatulong ba ang buong cast para lalong mapagbuti niya ang pag-arte? “To tell you the truth, kabado ako noong time na ginagawa ko ‘yung mga eksenang ‘yun. Si Ms. Pie, season actress na ‘yan, all throughout the show, mas nakaeksena ko si Ms. A (Agot Isidro) and it’s really something new. Ang galing! Kasi kapag nasa eksena kami, kapag nag-action na ang director, nakikita ko siyang nanay ko talaga. Tapos nakikita niya akong anak talaga. I was very thankful that Ms. Pie goes out of his way to help me, Kim and Gerald. Kung hindi maganda ang ibinibigay namin sa rehearsal, hindi siya mag-hesitate na sabihan kami agad, mas maganda siguro ganito ang gawin mo. Thankful ako dahil ang babait ng co-stars ko talaga.”

Pinatunayan ni Jake na puwede pala siyang maging dramatic actor, how does it feel? “I’m very flattered, nakakataba ng puso para sa akin, pinu-prove ko ang sarili ko at nagli-live ako sa expectation para sa akin. Ang laking karangan para sa akin ‘yun, du’n ako namo-motivate na lalong galingan ko pa. Gagalingan ko, ‘yun lang naman ang pinapangako ko from the very beginning na I’ll always give 110% kahit it’s a big role or small role. Kaya siguro lumalabas ‘yung creativity ko as an actor, kasi pinapaniwalaan ko ang sarili ko. Ito na ‘yung last project ko so,  kailangang may ipakita ako, may ilabas akong kakaiba,” makabuluhang wika niya.

Siyempre, naging inspirasyon ngayon ni Jake si Melissa Ricks na apple of the eyes ngayon ng binatang actor. “Kami ni Melissa okey naman kami. To tell you the truth, ayun na nga, natatakot ako kasi wala namang dapat ikatakot. Hindi pa naman talaga ako nangliligaw. We’re just good friends and thankful ako sa friendship na ‘yun, very blessed kaming dalawa. Kasi nga, first time mag-rate ng ganito ‘yung afternoon show ng ABS, talagang very blessed kami. She’s very busy with her show, I’m very busy with my show also, iba ‘yung blessing na natatanggap namin,”paliwanag ni Jake.

Hindi itinatanggi ni Melissa malapit sa puso niya si Jake. Tuwing nababanggit nga ang pangalan ng actor may kakaibang glow sa mga mata ng dalaga.”Well, ang sarap ng pakiramdam, you make someone feel that way. As of now, there’s no rush naman. For me sa mga pinagdaanan ko, I’m on the stage of my life getting to know myself better. Sana one day ‘pag dumating ang pagmamahal, hindi ko itatanggi, masarap namang magmahal, ‘di ba?”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

2 thoughts on “Jake Cuenca, will wait for Melissa Ricks?

  1. eowww!!! may bad breathe si jake…may article sa stir.ph…ito title ng article…Breaks: Christine complains of Jake’s bad breath – STIR

Leave a Reply

Your email address will not be published.