Jake Cuenca, seryoso sa panliligaw kay Jessy Mendiola

Jessy-Mendiola-Jake-CuencaSERYOSO NGA si Jake Cuenca sa panliligaw kay Jessy Mendiola na lead star ng Maria Mercedes. Inamin niyang totohanan ang ginagawa nitong panunuyo sa dalaga. Sa mga romantic scene nilang dalawa, bawat linyang binibitawan niya sa kanyang leading lady, nanggagaling sa kanyang puso. Naging madali nga para sa actor ang magpahiwatig  dahil kailangan ‘yun sa mga eksena nila ni Jessy na nanliligaw. Ngayon nga mag-dyowa na sila sa nasabing Mexican tele-nobela. Pero  nanganganib na magkahiwalay nang dahil kay Nikki Gil (ex-girlfriend ni Jake) at Ms. Vivian Velez.

Maging si Jessy, nadadala sa mga romantic scene nila ni Jake dahil in real life, totoong malaki ang pagkakagusto sa kanya ng binata. Hindi gimik ang pagiging vocal ng actor sa tunay niyang saloobin kay Jessy. Kahit alam ni Jake na naunang nagpahiwatig si Sam Milby ng kanyang damdamin sa young actress. Hindi naging hadlang ito para hindi niya ituloy ang panunuyo sa kanyang leading lady.

“Ayaw kong masira ‘yung pagkakaibigan namin ni Sam Milby. Ginagawa ko lamang ‘yung nararamdaman ko, gusto ko talagang ligawan si Jessy,” pagmamalaking sabi ni Jake.

Matunog ang balita na nagkakamabutihan na raw sina Sam at Jessy. Pero pinabulaanan ito ni Jake, patuloy pa rin ang panliligaw niya sa dalaga. Naniniwala ang magaling na actor na wala pang namamagitan sa dalawa.

“May ganu’n ngang balita, pero alam kong hindi sila (mag-dyowa),” simpleng sagot ni Jake na parang confident siya sa kanyang tinuran.

Naikuwento ni Jake na nakausap pala niya si Sam, sinabi niya sa hunk actor, “May the best man win. Kung alam kong  du’n magiging masaya si Jessy at the end of the the day, tatanggapin ko. Kasi, sa ngayon, hindi ako nagmamadali, ganu’n din si Jessy. This time around, lalo na kung si Jessy ang magiging girlfriend ko. Gusto ko, sigurado ako at gusto ko maalagaan siya nang tama. Hindi ko na kukuwestunin kung papayag siya on the long run.”

Nagbigay ng kanyang reaction si Jake tungkol sa ginagawa niyang pangliligaw kay Jessy. “Natutuwa naman siya, niloloko kami sa set ng lahat ng tao. Parang nagiging natural tuloy ‘yung mga eksena namin sa Maria Mercedes. Pareho kaming kinikilig-kilig, niloloko kami ni Direk. Nakakatuwa, natutuwa lang ako na tanggap kami ng tao. Nagugustuhan nila ang team-up namin ni Jessy. Sana marami pang sumuporta at marami pang kaabang-abang na eksena naming dalawa. Pinag-uusapan namin ‘yan.”

Inurirat namin si Jake kung totoong galing sa kanya ‘yung eksenang binigyan niya ng kuwintas si Jessy? “Props lang ‘yun pero nireregaluhan ko naman si Jessy. Sa kanya na lang manggaling, ‘pag may nakikita akong isang bagay na alam kong magugustuhan niya, binibili ko. Tulad nu’ng nasa States ako, mahilig din siya tulad ng ganitong boots, binili ko rin siya. Pareho kaming mahilig sa boots.”

Jake-Cuenca-Jessy-MendiolaMasama raw ang nagbibigay ng sapatos, kasabihan ng mga matatanda, sabi namin kay Jake. “Binigyan naman niya ako ng sukli. Hinding-hindi ko tatapakan ang kanyang pagkatao,” sambit niya.

Marami raw magagandang qualities na nakita si Jake kay Jessy kaya super special ang pagtingin niya rito compared sa mga nagging past girlfriend niya.

“Sa akin, bukod sa napakaganda niya, may certain quality na gusto ko sa kanya ‘yung pagiging simple niya. Parang napaka-authentic niyang tao. Para sa akin, napaka-special niya, maging girlfriend niya. Kung ako man ‘yun o kung sinuman, napakasuwerte ng lalaking ‘yun. Kung ako man ang suwertehing maging boyfriend niya, aalagaan ko siya,” aniya.

Sa totoo lang, naramdaman namin ang kung gaano nga niya kamahal si Jessy. Sa takbo ng panliligaw ni Jake kay Jessy, mas nakalalamang ang actor kaysa kay Sam. Palaging magkasama sa taping, mas nakikilala nila ang bawat isa. Posibleng baka hindi pa tapos ang serye nilang maging sila na.

“Tignan natin. Sabi naman niya sa akin, hindi rin siya nagmamadali, pareho ko. Hindi din ako nagmamadali, mahaba pa ang tatakbuhin ng show. Bukod du’n, maganda ‘yung feeling, walang pressure, ‘di ba? Kinikilatis ko siya, kinikilala niya ako. Sa ngayon, okay naman ang samahan namin, masaya,” paliwanag ni Jake Cuenca.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Jake Cuenca, seryoso sa panliligaw kay Jessy Mendiola

  1. Wala na bang ibang mapaguusapan sa FOREVER STARLET na ito kundi ang pagkahayok niya sa lalaki? Kahit sino pang ipartner diyan ng EBS, hanggang starlet pa rin ang category niyan at NEVER SISIKAT! Hakhakhak!

  2. ows seryoso kasa panliligaw k jessy? tlaga langha…oh well lets see if after ng tleserye nyo e gnyn padin dialogue mo…pero ang sure ko eung pgpapahada mosa mga bading!!! yan ang sure na sure!!!

    • yahahahha parang si Jessy M. na ang papalit sa trono ni Cristine reyes,,,,ang pagpalit palit ng BF,,,hahahha pupustahan ko yan,,,lahat ng mhin, diyan sa Abs,,,,papatikim yan,,,hahaha,,pwera na lang siguro sa mga Paminta diyan…teka,,,bagay sina jake at Jessy,,,,malalaki ang bunganga,,,,hahahha,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.