Jake Cuenca, Pinabababa ang Pangalan ni Melissa Ricks


OLA CHIKKA! EXCITED na ang lahat ng mga manonood ng concert ng ating Jukebox Queen na si Imelda Papin mamayang 8:00 ng gabi sa Hotel H20, Manila Ocean Park na one special celebration na pinamagatang “Imelda Papin Live at the Aquatic”. Hindi lamang entertainment ang hatid niya, kundi pati ang pagtulong sa kapwa dahil ito ay isang fund-raising program para sa free dialysis treatment ng mga kababayan nating hindi sapat ang ipon upang makapagpagamot. Si Imelda ay likas na sa puso ang pagiging mabuti at sadyang mahal niya talaga ang musika kaya’t nakapagsasagawa siya ng ganitong event.

Masaya siya sa pagpe-perform habang nakatutulong sa ibang tao. At take note, mga kaparazzi, hindi basta-basta ang concert niyang ito, dahil first time sa Pilipinas na ang background habang nagsi-show ay dancing water na mala-Vegas ang dating! At hindi lamang iyan! Entertained ka na, nakatulong ka pa, tapos may freebies ka pa dahil ang ticket mismo ng show ay maaari pang magamit upang magkaroon ng discount sa susunod na pagpunta mo roon.

Tunay ngang kaabang-abang ang concert dahil sa mga naglalakihan niyang mga guest tulad nina Eddie Garcia, Andrew E., Sam Concepcion, Ruby Rodriguez, Daiana Menezes ,Aikeen Papin, Rey Carpio, Amay B., Jessica Arcilla, Richard Reynoso at marami pang iba. At siyempre, mawawala ba naman ang napakasikat niyang ka-partner na si Mommy Dionesia?! Walang duda, pagkakaguluhan na naman ang pag-duet nila sa kantang ‘Bakit?’ At siyempre kung nasaan ang ina ay naroon ang anak, kaya’t marami ang nagtatanong kung naroon din ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao! Hmmm… ‘ika nga nila, it’s for me to know and for you people to find out! Kaya bili na ng ticket sa lahat ng ticket outlets upang makapag-enjoy at makatulong sa kapwa! Pak!

ANO NAMAN ANG kaguluhang nabalitaan ko fresh from Davao pa?! Bali-balita kasing pinagkaguluhan daw ang isang non-showbiz girl ng mga kabilang sa pinaka-yummy na young papa sa showbizlandia. Noong Sabado ng gabi sa isang bar daw sa Davao, pumarty-party itong si Jake Cuenca at Jason Abalos nang hindi sinasadyang iisang babae lamang na pa-booking ang natipuhan nila. Dahil sa sobrang haba ng buhok ng pa-booking na girlet, hindi niya alam kung saan siya sasama, at dala ng kalasingan ay nag-away na itong dalawang papa actor.

Naku ha! Hindi magandang balita ‘yan dahil isang babae, pinag-aawayan? Eh, may kanya-kanya naman silang mga kababaihan tulad na lamang ni Melissa Ricks ni Jake at Kim Chiu na nali-link din kay Jason. Hindi kaya bumaba ang pangalan ng mga babaeng ito dahil lang sa isang girlet ng Davao? Siyempre as love life ni Jake, hindi maiiwasan na idikit ang pangalan ni Melissa, lalo na kung mga usapang ganyan. Tsk, tsk, tsk… nagtatanong lang.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa fashion world na nababalitang nangha-hunting ng mga batang kalalakihan?!

Ang chikka kasi, madalas raw tumambay itong si known personality sa Cubao malapit sa eskuwelahan at nag-aabang ng bibiktimahin. Ang modus operandi niya ay tatakutin niya ang matitipuhan niyang lalaki sa pamamagitan ng pagbangga tapos biglaang preno para hindi tamaan ang guwapong biktima at agad-agad bababa ng sasakyan si known personality sa biktima, kukunin ang number at ipagagamot kuno, tsaka lalabas ang indecent proposal na magtatanong kung go ba ito sa booking portion. Alam n’yo na, magyaya at magbibigay ng presyo para sumama sa kanya ang lalaki. Tibay, ‘di ba?! Desperada mode?

Ha-ha-ha! Hindi n’yo mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa din po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Jake Cuenca, Pinabababa ang Pangalan ni Melissa Ricks

  1. Sana iyan ang gayahin ni Claire de la fuente ang ginagawang pagtulong ni Imelda papin hindi yung alaga niya sa showbiz na puro echoserang kagaya niya.
    At least di man kalakihang mga star ang mga guest, ang importante nakatulong sa kapwa ang show.

  2. Cheap nman ng story na ‘toh!Jake&Jason,wag kayong ganyan!baka magselos yung papa nyong si bading Deo Endrinal!hala baka mawalan pa kayo,ng mga shows sa dos!dami nyo pa namang shows,dahil kay baklitang Deo Endrinal!.

  3. Funny to:

    “Tunay ngang kaabang-abang ang concert dahil sa mga naglalakihan niyang mga guest tulad nina Eddie Garcia, Andrew E., Sam Concepcion, Ruby Rodriguez, Daiana Menezes ,Aikeen Papin, Rey Carpio, Amay B., Jessica Arcilla, Richard Reynoso at marami pang iba.”

    Naglalakihan??? Sino naman ang may malaking pangalan jan?hahaha..

  4. ayun tinanggal na ang pic ni denise.. pinalitan na ng pic nina jake at melissa.

    sa acticle pala ni ogie diaz ang pic ni denise.. sino nagkamali?

Leave a Reply

Your email address will not be published.