Jake Cuenca, physically assaulted Roxanne Guinoo?

Nauna na naming inilabas sa Pinoy Parazzi ang diumano’y pagwawala ni Roxanne Guinoo sa Guam, kung saan nagkaroon ng special show ang ASAP. At hanggang ngayon nga, hindi pa rin nariringgan ng kanilang paliwanag ang mga nasasangkot na personalidad sa isyung ito. At tipong may ‘news black-out’ sa pangyayaring ito sa mismong ABS-CBN, komo’t mga talent nga nila ang involved – si Roxanne, si Jake Cuenca at si Bea Alonzo.

Nasundan ng ating Parazzi fotog si Roxanne, kamakailan, habang namamasyal sa isang mall. At nakuhanang litrato, walang kadu-dudang sinaktan talaga ang dalaga. Lamog at punong-puno ng pasa ang mga braso ng seksing aktres, may mga kalmot at paso pa ng plantsa sa mga kamay!

Ayon sa isang nagmamalasakit at malapit na malapit na nagmamahal kay Roxanne, may nangyari talagang ‘kumprontasyon’ na nauwi sa pananakit, at hindi lang basta pananakit, kundi pambubugbog! Korek! Binugbog nga diumano ni Jake si Roxanne. Diumano, nangyari ito sa hotel na tinutuluyan nila, madaling-araw ng Oktubre 12.

Hindi na nga nakapagbigay ng paliwanag si Roxanne kaugnay ng insidente, dahil diumano, ayon pa sa source, pinagawa si Roxanne ng ‘disclaimer’ na nagsasabing walang ganu’ng pangyayari sa Guam.

Bakit nga ba pilit na pinagtatakpan ng ABS-CBN ang pangyayaring ito? Bakit ganu’n na lang kung protektahan nila ang isang Jake Cuenca?

Kahit saang anggulo tignan, kahit sabihin pang si Roxanne ang nagpasimula ng gulo, walang karapatan ang sinumang lalaki na saktan ang isang babae. Ginagarantiyahan ng batas ang karapatan at kapakanan ng kababaihan. Hindi gawain ng isang tunay na lalaki ang manakit, lalo pa ang mabugbog ng isang babae.

Hay, pag-ibig! Masdan ang ginawa mo!

Parazzi News Service
PHOTOS BY PARAZZI WIRES

[ad#ad-text-links-1]

loading...

4 thoughts on “Jake Cuenca, physically assaulted Roxanne Guinoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.