Jake Cuenca, nagpakita ng puwet!


THE MOST CONTROVERSIAL Movie of the Year’ ang bansag ng press ngayon sa upcoming sexy-drama movie ng Regal Films na My Neighbor’s Wife.

Tinatalakay ng pelikula ang konsepto ng ‘wife swapping’ at wala ring pakundangan ang mga lead stars na sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe at Jake Cuenca sa mga maiiinit na eksena.

Ayon sa director mismo ng pelikula na si Jun Lana, bilib na bilib siya sa ipinakitang professionalism ng kanyang mga bida. Bigay-todo raw ang apat sa pakikipaglampungan at dapat daw abangan ang steamy love scene nina Lovi Poe at Jake Cuenca. Ang eksena kasi nilang dalawa ang dahilan ng conflict sa pelikula. Sa sobrang init daw ng kanilang romansahan ay may butt exposure pang naganap!

Ganyan talaga ka-professional si Jake Cuenca. Kapag sinabihang kailangang maghubad para sa eksena, hubad agad!

 

ELMO MAGALONA AT JULIE ANNE SAN JOSE, SUSUGALAN NG GMA FILMS!

Mukhang pagbibigyan na ng Kapuso network ang hiling ng mga ‘JuliElmo’ fans na pagsamahin ang dalawang teen star sa isang kilig movie. Kasalukuyang ginagawa na ang pelikulang ‘Just One Summer’ at early next year ang target release date nito. Sa Party Pilipinas unang nagtambal ang dalawang bagets na lumabas sa isang short film.

Kalauna’y nagkalat na sa iba’t ibang online forums ang mga fan arts at stories na ginawa ng mga taga-hanga para sa kanila. Mabilis din silang nagkaroon ng fan base kahit pa ang Tween star na si Barbie Forteza talaga ang gusto sanang ipares ng Kapuso network sa binata ni FrancisM.

Mapapanood din sina Elmo at Julie Anne sa Andres de Saya. Isang mala-king break para sa kanila ang launching movie na niluluto ng Siyete, pero hinog na nga ba sila for stardom? Tanong lang po!

 

APL DE AP, ITINANGGING DISBANDED NA ANG BLACK EYED PEAS!

Nasa Pilipinas muli ang international singer na si Apl de Ap, na mas kilala bilang miyembro ng sikat na bandang Black Eyed Peas para magbigay ng donasyon sa isang paaralan sa Angeles, Pampanga.

Ayon mismo sa kanya, magkakaroon ng concert tour ang grupo at isa ang Pilipinas sa destinasyong pupuntahan nila. Inamin naman nito na pagkatapos ng kanilang mga commitments ay panandalian munang magko-concentrate sa kani-kaniyang solo careers ang mga miyembro ng isa sa pinakasikat na international acts ngayon.

Hindi na matitinag pa ang samahan ng apat dahil marami na rin silang pinagdaa-nan bilang magkakaibigan.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Jake Cuenca, nagpakita ng puwet!

  1. SANAY NMAN YANG C JAKE CUENCA SA KANTUTAN DI BA NGA KABET YAN NG BAKLA! C LOVIE POE NMAN EH MAS LALONG SANAY NA SANAY YAN SA KANTUTAN AT KINTURAN PAKAWALA YAN DI BA. ANAK NG KABET PERO HINDI NATURUAN NG INA NYANG KABET NG TAMANG ASAL AT MORALIDAD. KUNG NABUBUHAY C FPJ TYAK NA BUGBOG SARADO CYA DUN SA SOBRANG KAPUTAHAN NYA. BWAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.