Jake Cuenca & Maja Salvador: A Complicated Love Thing!

Jake-Cuenca-Maja-SalvadorJAKE CUENCA
Real Name: Juan Carlos Leveriza Cuenca
Birthdate: December 30, 1987
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

MAJA SALVADOR
Full Name: Maja Ross Andres Salvador

Birthdate: October 5, 1988

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
FOR THE first time, magka-loveteam ang Kapamilya stars na sina Jake Cuenca at Maja Salvador sa sexy-comedy film na Status: It’s Complicated. Nagkasama na sila sa ilang proyekto noon sa Dos, pero never silang naging magka-partner. Better late than never!
Peborit ng mga tsismosa sina Jake at Maja sa magkaibang dahilan. May nagsasabing may pagka-pabling si Papa Jake, habang kung anu-ano namang paratang ang binabato kay Ateh Maja na hindi naman deserve ni Atey. Nagmahal lang naman siya, ‘noh! Masama ba ‘yun?!
Dahil pinagsama sa pelikula sina Jake at Maja, hindi namin mapigilang mag-isip ng maaaring kahinatnan kung sakaling piliin nilang ibigin ang isa’t isa. Posible kaya, o ito ba’y magiging komplikado?
Equal ang similar and different traits ng Capricorn at Libra. Ang kanilang love compatibility ay dedepende sa kung paano sila maga-adjust sa isa’t isa. Natural ang pagiging extrovert at people’s person ng Libran, habang ang Capricorn naman ay mas iniintindi ang sariling kapakanan at seryoso sa bawat aspeto ng buhay. Pagdating sa relasyon, may pagka-demanding ang Libra, na kung minsan ay ikakamot-ulo na lang ng Capricorn.
Kung mag-e-exert ng extra effort ang bawat panig, malaki ang tsansang mag-work ang relasyong ito. Maibibigay ng Capricorn ang security na kinakailangan, habang ang contacts naman na malilikom ng Libra ay makatutulong in the future sa magpares. Matatanggal din nila ang pressure ng isa’t isa by listening to each other’s problems and grievances. Pagpapasensya ang main requirement para bumongga ang pagsasamang ito!
Very open ang Libra sa pagsasabi at pagpapakita ng kanyang emotions, habang hirap naman ang Capricorn sa bagay na ito. Puwede itong maging sanhi ng away dahil pakiramdam ng Libra ay hindi siya gaanong pinapahalagahan ng Capricorn. On the other hand, they can depend on each other. Worth it ipaglaban ang pag-iibigang ito basta ‘wag susuko agad!
Maraming adjustments ang kailangang pagdaanan para mauwi sa kasalan ang pagsasama ng Capricorn at Libra. Magugustuhan ng babaeng Libra ang stability sa umpisa, pero may tendency rin itong mapagod. Ang common trait na maaaring magpatagal ng kanilang relasyon ay ang love for luxury. Hay, complicated! Tulad ng true love, complicated din pala ang love match nina Jake at Maja. Gora o Bora?

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Jake Cuenca & Maja Salvador: A Complicated Love Thing!

  1. Pingback: Jake Cuenca & Maja Salvador: A Complicated Love Thing!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.