Jake Cuenca, lumevel-up na kay Melissa RicksI

SANG MALAKING BALITA ang ibinahagi ni Jake Cuenca nang mag-guest siya kamakailan sa Straight from the Heart portion ng The Buzz. Tinuldukan na rin sa wakas ni Jake ang matagal nang bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz kung talagang sila ba ni Melissa Ricks.

“To be more honest, this is the first time I’m going to say it also, we’ve been dating for a year and nine months,” pag-amin niya kay Charlene Gonzales.

Lumevel-up na pala nang totohanan ang kanilang relasyon mula sa simpleng pagpapadala noon ng mga regalo ni Jake kay Melissa gaya ng roses at pagkain. He once said that he appreciates the friendship he has with Melissa during his past interviews.

Jake recently got involved in a confrontation with fellow actor Jason Abalos in Davao. Although he did not directly reveal what caused their disagreement during the interview, may balitang may kinalaman daw ito kay Melissa. Sinabi ni Jake na nagkaayos na sila ni Jason at nag-sorry rin siya rito at kay Coco Martin na umawat sa kanilang dalawa.

Charlene asked Jake to give his message to Melissa na nasabit ang pangalan sa gulo and to clear her name from the incident.

“To me, Melissa is an inspiration. This has been a challenging year for me. I mean ibalanseng gampanan ang apat na role ng sabay-sabay. Para maikayod mo iyon, kailangan mo ng matin-ding inspirasyon at para sa akin ay malaking inspirasyon ko si Melissa.”

Nasangkot man sa matitinding kontrobersiya si Jake, nandiyan pa rin lagi sa kanyang tabi ang kanyang mga magulang na ipinagmamalaking isa siyang mabuting anak. His mommy said, “Jake, I would just want to say I’m so proud of you. I’ve seen how you matured. I want to thank you because I know you’re always there.” Dagdag pa ng kanyang daddy, “I want to thank him for everything he has done. For being the person that he is. We hope that everything will be better.”

Isang patunay na mabuting anak si Jake ay nang iabot sa kanya ang report card ng sister niyang si Bea. Five years ago pala ay nag-promise si Jake sa kanyang mommy na siya ang magpapaaral sa kapatid na sinuklian naman nito ng matataas na grades.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

One thought on “Jake Cuenca, lumevel-up na kay Melissa RicksI

Leave a Reply

Your email address will not be published.