Jake Cuenca & Lovi Poe: Sexy Love Affair

JAKE CUENCA
Real Name: Juan Carlos Leveriza Cuenca
Birthdate: December 30, 1987
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday
LOVI POE
Real Name: Lourdes Virginia Moran Poe
Birth Date: February 11, 1989
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday

MORE THAN two years ago, nagsama sa unang pagkakataon ang Kapamilya hunk na si Jake Cuenca at Kapuso leading lady na si Lovi Poe para sa pelikulang ‘My Neighbor’s Wife’. Nagkaroon ng steamy love scene ang dalawa at naging usap-usapan pa ang pagsasama nilang dalawa sa Star Magic Ball. Hindi ba’t uber iyak si Melissa Ricks?
Noong una, akala ng lahat na for promo purposes lang ang madalas na pagsasama nina Jake at Lovi. Dumating sa punto na matagal nang tapos ang pelikulang pinagsamahan, pero ang tsismis sa kanilang love affair ay patuloy pa rin na pinag-uusapan.
Muling magsasama sa isang Sineng Pambansa 2013 entry ang dalawa. Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang ‘Lihis’ ni Joel Lamangan. Kung inaakala ninyo na silang dalawa ang magka-loveteam? – You’re Wrong! Si Papa Joem Bascon lang naman ang pag-aawayan nina Jake at Lovi rito. Kalurkey, right?!
Ngayon na muling nagsama sina Jake at Lovi, worth it kaya na ipagpatuloy ang kanilang ‘Love Affair’?
Ang love match ng Capricorn at Aquarius ay p’wedeng maging ubod ng ganda o saksakan ng sama, depende kung paano nila ia-adjust ang kanilang ugali at paniniwala. Practical at consistent pagdating sa usaping buhay ang Capricorn. Creative at idealistic naman ang Aquarius. Complimenting ang traits nila pagdating sa kanilang buhay karera.
Dahil sa pag-focus nila sa ibang aspeto ng buhay tulad ng pamilya at karera, madalas na hindi nila napapansin na nakakalimutan na nilang bigyan ng sapat na atensyon ang love life. Maaari itong magdulot ng pagkalamig o pagkawala ng interes sa isa’t isa. P’wede itong maging hudyat ng pagiging distant o aloof sa ka-partner. On a personal level, kailangan mag-adjust ng dalawa. Kailangang kontrolin ng Aquarius ang pagiging ‘super friendly’ nito lalo na sa mga boys. Unawain din dapat nito ang pagiging family-oriented ng Capricorn. Trabaho naman ng Capricorn na siguraduhin na adventurous at interesting ang daloy ng relasyon nila ng Aquarian.
COMPROMISE IS the keyword para mag-work ang relasyong ito. Ang self-confidence ng babae ang magpapa-enganyo sa lalaki sa umpisa. Habang tumatagal ay mapapaisip ito kung kaya ba niyang i-handle ang free-spirit nature ng babaeng Aquarian. Sa kabilang banda, may posibilidad na masakal ang babae sa pagiging dominante ng lalaking Capricorn. Ang good news ay nadadaan naman ang lahat sa mabuting usapan. Mare-realize ng dalawa na kailangan din nilang pakinggan ang iniirog para na rin sa kanilang growth as individuals.
There you have it! Mukhang bongga rin naman pala ang magiging outcome ng naantala (nga ba?) na love affair nina Papa Jake at Ateh Lovi. ‘Wag nang mag-wonder kung one day ay may public declaration na of engagement ang dalawang sexy celebs!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Jake Cuenca & Lovi Poe: Sexy Love Affair

Leave a Reply

Your email address will not be published.