Jake Cuenca, kumpiyansang walang lalabas na video scandal niya

Jake Cuenca, kumpiyansang walang lalabas na video scandal niyaConfident si Jake Cuenca na walang lalabas na sex video scandal niya. Sa kabila ito ng halos sunud-sunod na paglabas ng mga ‘masturbation video’ ng ilang celebrities.

Kabilang sa mga sinasabing mayroong nito ay sina Joross Gamboa, Jeric Gonzales, Mark Neumann, Kiko Estrada, Jason Abalos, Michael Pangilinan, Paolo Contis, Jason Abalos, at iba pa.

“Hindi, wala talaga, e. Ako, I’m confident, ’cause I’ve never done it. I’ve never tried it,” sabi ni Jake sa presscon ng bagong iniendorsong Guitar undergarments kahapon, Huwebes, March 17.

Hindi raw siya nakikipag-chat nang topless at hindi rin siya kahit kailan nakipag-cybersex.

Nang usisain kasi ng press tungkol sa nagkalat na video scandal ng male celebrities sa Internet, kahit

si Jake Cuenca ay nagulat. Aniya, “Ang dami nga, grabe! Mga kaibigan ko pa yung iba dun at mga katrabaho pa.”

Dagdag pa ni Jake, “Matagal na ‘yan, e. Matagal na matagal na ‘yan, e. Nauso ulit.”

Hindi rin daw gustong makiuso ni Jake, “…that’s not my thing. Never kong naging fetish ‘yun. Hindi ko naging fetish ‘yun, e. Ang hirap, e, kapag artista ka, ‘di ba? Mas nakakatakot.

Nagtataka nga raw siya kung paanong lumabas ang mga video scandal na iyon.

Sabi ni Jake, “Pero nagdududa ako, paano lumalabas lahat ‘to? Kasi napag-uusapan namin, puwera biro, napag-usapan namin sa set (ng “Pasion de Amor”) kung paanong lumabas lahat ‘to.”

By Parazzi Boy

loading...

One thought on “Jake Cuenca, kumpiyansang walang lalabas na video scandal niya

  1. he he hmm teka,,,sabi ng ipis ko,,,,,yung BJ scandal niya sa bading o siya mismo ang nag B BJ sa lalaki he he meron yan,,he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.