Jake Cuenca, kinakarma?!

ISANG PALAISIPAN sa marami ang emosyonal na mga tweets noong mga nakaraang araw ni Jake Cuenca, kung saan nabitawan ng aktor ang salitang ‘karma’ at alam daw niya ang ibig sabihin nito.

Marami ang nagsasabi na baka may kinalaman ito sa pagbabalikan nina Lovi Poe at Ronald Singson na minsan ng na-link kay Jake ang sexy actress. May ilan namang nagsasabi na baka may kinalaman ito kay Melissa Ricks na kumpirmadong lumalabas ngayon kasama si Paul Jake Castillo.

Sa presscon ng Kung Ako’y Iiwan Mo, na mapapanood na sa Kapamilya Gold ng ABS CBN simula April 16, agad naming tinanong kay Jake kung para ba kanino ang mga emotional tweets niya.

Klinaro naman sa amin ng aktor na dahil sa sobrang stress sa trabaho ay naghihinga lang siya ng kanyang mga nararamdaman. Ayon pa kay Jake, wala siyang paninira na ginagawa sa kahit na kanino at ito ay base lang sa kung ano ang nararamdaman niya. Itinurong ang pagka-miss sa pamilya ang rason ng mga emosyonal niyang mga tweets na hindi niya masyadong nakakasama kahit nasa bansa na dahil sa sobrang hectic ng kanyang sked.

Ayaw magbigay-komento sa balitang pagbabalikan nina Lovi at Ronald, siniguro naman sa amin na naka-move on na siya sa break up nila ni Melissa at masaya siya na masaya na ito kay Paul Jake.

Aminadong nagde-date siya ngayon, pero ayaw niyang magbigay ng anumang detalye dahil baka maudlot daw. Eligible, na nangangahulugan lang na walang sabit ang bago niyang date. Nagbigay din ng kasiguraduhan na ‘pag nagkaroon ng bagong girlfriend ay ipapaalam naman niya sa publiko, alam ni Jake na isa itong bagay na ‘di niya magagawang itago.

Tinanong din namin kung bukas ba siyang makatrabaho muli ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo na ngayon ay nagbabalik-showbiz, interestante ito para kay Jake, pero kahit siya ay nakikita na malabo itong mangyari dahil nasa Kapatid Network ang aktres. Tiyak na pagsisimulan din ito muli ng mga intriga dahil sa nakaraan nila. Para kay Jake, kung magbibigay lang ito ng problema kay Roxanne at sa pamilya nito, mas mabuting huwag na lang, dahil ayaw niyang magbigay ng problema sa iba.

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng Eboy pero sa dalawang linggo na mapapanod pa ito sa ere, higit na kaabang-abang ang bawat eksena. Ngayong nakapag-imbento ng bagong robot si Gabriel (Ariel Rivera), abangan kung mabuti ba o masama ang maidudulot nito at kung mabubuo pa muli ang pamilya niya ngayong patuloy na sinusuyo ni Miguel (Jomari Yllana) si Ria (Agot Isidro).

Magtagumpay naman kaya sina Eboy (Bugoy Cariño) at Miyo (Dey-Dey Amansec) sa pagsagip kay Gabriel?

ANG EBOY ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na ngalalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga.

Hinihimok din nito na maging “da best” sa anumang lara-ngan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga panga-rap.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

15 thoughts on “Jake Cuenca, kinakarma?!

  1. sheeeeeeeeeeetttt galing ni jake lahat ng mga babae, lalake, bakla ,at tomboy sa ebs najugjug….poota galing magpasabog…go go jake

  2. WARNING lang sa mga exes ni Jake, stay away from him, as far away as you can. I won’t touch him with a ten foot pole if I were you. Sana natuto na kayo ng lesson sa user at abuser na ito.

  3. karma…magtawas ka pare…di lang underarm at hininga mo mabaho…pati ugali mo…ipaligo mo ynag tawas..at magmumog ka ng moutwash…kung di kaya..kumain ka ng lysol para maalis yan

  4. yabang naman nitong Jake Cuenca na eto kala mo sikat,de naman guwapo user pa pwe,makarma ka sana,dapat ang papel ng Jake na yan Villain,bagay sa kanya

  5. yabang ni jake…noong pinanood namin sa new jersey grabe nag hubad pa ng t shirt na parang ipinag mamalaki ang katawan nya. ano namn ang akala nya sa mga nasa states kaya inis na inis kami noon

Leave a Reply

Your email address will not be published.