JAKE CUENCA, INAMIN NA SI MELISSA RICKS!

MISTULANG NASUKOL SI Jake Cuenca sa interbyu sa kanya ni Charlene Gonzales sa The Buzz kahapon. Hindi na kasi nagdalawang-isip pa ang binata na aminin ang matagal nang bulung-bulungan sa showbiz na mag-dyowa sila ni Melissa Ricks.

Ayon sa isa sa magagaling na aktor ng kanyang henerasyon, may one year and nine months na silang nagde-date ni Melissa. Sinabi pa nga ni Jake na, “To me, Melissa is my inspiration… malaking inspirasyon sa akin si Melissa.”

Pareho kasing hindi umaamin sina Jake at Melissa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kahit pa marami nang pagkakataon na nakikita silang magkasama sa ilang showbiz functions. Maging ang aming mga kamerang-gala, kung ilang beses na ring naispatan ang kakaibang closeness ng dalawa at ibinalandra na nga namin sa mga pahina at maging sa cover ang kanilang ‘sweet moments’ together.

Gayunman, sa kabila ng hindi pag-amin, hindi rin nagde-deny ang kahit sinuman kina Melissa at Jake. Dedma nga lang sa isyu.

Pero dahil sa pinakahuling pangyayari sa kanilang personal na buhay, kung saan sinasabing si Melissa ang dahilan ng banggaan nina Jake at Jason Abalos sa Davao nitong mga nakaraang araw, tila wala na ngang magagawa si Jake kundi aminin na ang relasyon nila ni Melissa.

Hindi man direktang inamin ni Jake na may kaugnayan si Melissa sa nangyari sa kanila ni Jason sa Davao, inamin naman ni Jake na may kinalaman iyon sa matagal nang kinikimkim niyang sama ng loob sa kapwa-Kapamilya actor. At nailabas nga lang daw niya iyon sa muli nilang pagkikita ni Jason, matapos ang matagal-tagal ding panahon.

Hindi rin naman in-elaborate pa ni Jake ang dahilan ng kanyang sama ng loob kay Jason. Pero ayon sa mga tsismis, may kinalaman iyon sa patuloy na panliligaw pa rin ni Jason sa aktres.

Nabalita rin kasi dati na malakas ang tama ni Jason kay Melissa, pero mukhang na-busted ito. Hindi si Melissa umano ang nam-busted, kundi ang mga parents ng actress, dahil umano sa social status ni Jason. Purita Avila raw kasi ang Jason, at ‘di ito bagay sa alta sosyedad na kinabibilangan ng mga Ricks. How true?!

Ang maganda nga lang kay Jake, aminado siyang nag-alburoto siya talaga nang magkita sila ni Jason under the influence of alcohol. Kulang na nga lang na aminin ni Jake na talagang nagwala siya.

Sinabi pa ni Jake na hindi siya naging responsable ng mga oras na iyon, na hindi siya naging gano’n ka-mature sa pag-handle ng nasabing sitwasyon, at parang nakunsensiya rin siya sa nangyari. Ayon pa kay Jake, kinagabihan naman daw ay naayos na rin ang gulo at gusot sa pagitan nila ni Jason.

Natauhan na kaya si Jake kaya naayos na’t ‘di na lumala ang gulo? Natauhan na rin kaya si Jake na kailangang aminin na niya si Melissa, para ‘di na makawala pa sa kanya?

Danny’s Law says: Natutong sumuot… natuto ring lumusot!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

7 thoughts on “JAKE CUENCA, INAMIN NA SI MELISSA RICKS!

  1. tang na!…paki namin..sigurado tikiman lang habol ng mga yan..pustahan either pautot lang yan relasyon na yan kaya di magtatagal yan…puro kan2tan lang mangyayari dyan..si jake pa eh kabit ng isang bading na executve yan sa abs

  2. we love melissa,,mala KRISTIN HERMOSA,,BEA ALONSO,,ROXANE GUINOO sya,,simple lang sya at humble,,,pero bata pa,,,diba nga binusted din ni bea alonso si jake kase sa nega na image ni jake sa tao,,,bata pa sila,,sana alam ni melisa iyon if not masisira lang sya gaya ng nangyari kay roxane noon,,nagpaka gaga kay jake,,,bata pa tlaga,,fcous muna s work at pag iipon kase,,,madami pang darating,,,so young!!!!kung wala silang relasyon may paki ba si jake na pagbawalan si jason o ibang guys kay melisa,,,i gues,,melisa`s parents ayaw muna nilang mag bf si melisa kaya di padin sinasagot ni melsia si jake,,at dapat wag ng sagutin,,ikakasira nya lang ito,,,ok,,

  3. una sa lahat,..nice mga isyu ngayon sa PINOY PARAZZI,,kaya ng tumapat sa PEP PORTAL,,diba,,lip it up,,more isyu sa mga stars ng 2,7 at 5,..better maging sa mga past o inactive stars gaya nina AJ ABAYARI,,JANET MCBRIDE,VANESA DEL BIANCO,CINDY KURLETO,BETH TAMAYO etc,,.something fresh naman ,kakasawa na mga present stars,,,diba,,kumustahin mga past stars naman,,saka sana sa PINOY PARAZZI,,maging mga movies-magazines-tv-videos-indie maglagay din para mas bongga,,we love pinoy parazi,,siksik kase at dito,,express yourself tlaga,,,di gaya sa ibang site,,hay nako,,,

  4. His word is confrontational. Ganoon rin ba kainit ang ulo niya nang magaway sila ni Roxanne Guinoo at napabalitang sinaktan niya ito? Melissa, you can do better. Hanap ka na lang nang disenteng tao. Sa totoo lang, I don’t find Jake Cuenca handsome. Mestiso lang pero walang dating.

Leave a Reply

Your email address will not be published.