Jake Cuenca, idinenay si Melissa Ricks?! – Archie de Calma

BLIND ITEM: ITO namang isang aspiring male starlet na kamukha ng isang guwapong matinee idol ay nakabalandra rin sa Facebook ang mga litratong very enticing sa mga potential client o parukyano. Walang bukambibig ang male starlet na ito kung hindi ‘yung mga nakaka-chika niyang mga politician na nakilala lang naman daw niya sa Facebook. Kapansin-pansin na rin ang bonggang lifestyle ng male starlet, na tipong rich and famous, kaya talagang pinagdududahan na siya.

Ayon sa isang close friend nito, last holiday season ay tuwang-tuwa ito dahil ang mga bumabati raw sa kanya ay mga maiimpluwensiyang politicians na mga verde ang dugo. Ayon sa aming source, ang haling na haling daw sa guwapong male starlet ay isang politician na na-link pa sa isang aktres noon.

Pinagsasabihan ng close friends ng male starlet na bading ang politician, pero ang lagi nitong sinasabi, may asawa raw ito at mga anak, kaya malabo ang akusasyong ito. Ang nakapagtataka nga, paano nagkakaroon ng kaugnayan ang isang politiko sa isang gaya niyang male starlet na “nobody, nobody but you” naman ang drama? Kahit sino ang tanungin ay magtataka na nasa list of friends ng maimpluwensiyang politikong ‘yun sa Facebook ang male starlet na mukhang nagiging toast of gay politicians.

TIGAS NA PAGTANGGI ni Jake Cuenca na walang katotohanan ang isyung naglayas daw si Melissa Ricks at sa kanya nakituloy. Sinabi ni Jake na kahit kailan, hindi pa raw nakita ni Melissa ang loob ng kanyang bahay, kaya paano nga naman mangyayari ‘yun?

Matagal na ang isyung Melissa-Jake at naniniwala kaming hindi ito magli-linger kung walang katotohanan ang sinasabing relasyon ng dalawa. Again, hindi namin maintindihan ang kung anu-anong pagtatanggi sa relasyong ito, na naniniwala kaming sa bandang huli, malalaman din naman ng publiko ang katotohanan.

May nagsabi naman sa amin na tila may nagbabawal kay Jake na ibalandra ang kanyang hot pursuits. After Roxanne Guinoo, wala nang inamin si Jake sa mga nai-chikang nakarelasyon niya.

Well, tingnan na lang kung saan ihahatid si Jake ng ganitong pamamaraan. Sa palagay namin, nakabubuti rin naman ito dahil hindi masyadong lumalatay ang pagkaka-identify niya kay Melissa dahil may kanya-kanya naman silang career. Si Melissa ay kasama sa Tanging Yaman, samantalang si Jake ay ipapareha kay Angelica Panganiban sa Rubi.

Maliwanag na wala sa plano, as of now, ang proyektong posibleng pagsamahan nina Jake at Melissa, kaya walang silbing igiit kung may relasyon man sila o wala.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

4 thoughts on “Jake Cuenca, idinenay si Melissa Ricks?! – Archie de Calma

  1. hula ko sa blind item yun kamukha ni piolo…
    ano nga ba ang name non? mas malaki lang ang mukha nya, saka he’s the dirty version of piolo…

    boyfriend daw ngayon ni meryll soriano.
    who’s that guy ba?

  2. ha ah aha!!! buking ka c fake at gimik lang ang layas issue na yan kay melissa….iba ang pinag awayan nila melissa at ng nanay nya ha hahaa!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.