Jake Cuenca, hindi isyu ang kontrabida role

Jake-CuencaSA PRESSCON ng Ikaw Lamang na mapapanood sa March 10 ng Primetime Bida ng ABS-CBN, hiningan ng reaksyon si Jake Cuenca na hindi ba issue sa kanya na nagbida na siya, pero sa seryeng ito ay lalaabs siyang kontrabida sa istorya.

Ayon sa aktor, matagal na niyang gusto uling makasama si Coco sa isang serye at hindi isyu sa kanya kung maging bida, kontrabida, o maging esktra pa siya sa isang serye o sa isang pelikula mapa-mainstream man o indie pa ito.

Naniniwala si Jake na walang maliit na role sa isang mahusay na aktor. Para sa amin ay dapat ganito ang takbo ng isip ng mga artista para hindi sila natatali lang o nai-stereotype sa iisang role.

Dito ay nabanggit din ni Jake na dapat pala sa Juan dela Cruz ay siya ang magkakalaban dito ni Coco, pero hindi lang ito natuloy dahil nu’ng mga panahon na iyon ay ginagawa niya ang Kahit Puso’y Masugatan at hindi naman niya maiiwan ang nasabing serye.

Kasama sa Ikaw Lamang sina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes, Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherrie Gil, Angel Aquino, Lester Llansang at iba pa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Jake Cuenca, hindi isyu ang kontrabida role

  1. mas magaling umiyak to kesa ke coco..si coco kasi sa ilong lumalabas yung dialogue pag naiyak..pero sa looks, talagang pangkontrabida siya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.