Jake Cuenca, dinismaya ang audience sa kanyang fashion show!

CHOICE DAW NG kanyang kasintahan, na siya ring magiging ama ng kanyang magiging anak ang pagpapakasal nila sa 2011.

Ito ang ibinunyag ni Roxanne Guinoo, kasabay ng pagsisiwalat ng 12 weeks na siyang nagdadalan-tao. At ipinakadiin ng dalagang hindi dahil sa nabuntis siya kaya magpapakasal na sila ng kanyang future hubby.

Ang hiling ni Roxanne, lalo na sa patuloy na mga tumutuligsa sa kanya, eh, bigyan na lang siya ngayon ng chance na maging happy.

SI ROXANNE NGA ang magkaka-baby at hindi ang isinunod na balitang ang Asia’s songbird na si Regine Velasquez.

Napanood namin si Regine sa debut concert ng singer na si Myrus sa Teatrino noong Sabado ng gabi. At pinabulaanan naman ni Regine ang balita saying na sa edad daw niya ngayon, eh, gusto na rin nga raw niyang maging isang ganap na Mommy. Pero hindi pa naman daw ito ipinagkakaloob sa kanya ng Maykapal. At wala rin naman daw dapat na ikabahala ang kanyang mga tagahanga, dahil sa sandali naman daw na mangyari na ‘yun, eh, hindi naman niya itatago sa buong mundo.

NANG PANSAMANTALANG MAWALA sa ere ang programang Showtime, nagkaroon ito ng kapalit. At ilang comedy bar hosts pala ang sumalang dito na nanalo naman ng P50K.

Naghati-hati ang limang nanalo sa kanilang premyo. Nakuha na ng apat ang kanilang tig-P10K na tseke sa in-air noong January 15 na show. Kaya, happy na sina Romel Chika, Mama Mia, Betty Lafea at Dax Martin. Pero ang kawangki ni Gretchen Barretto na si Mariko na Joselito B. Ledesma ang tunay na pangalan, eh, hindi pa makuha ang kanyang premyo.

Ang sabi raw sa kanya eh, hahanapin pa ang nawawala niyang tseke. Kaya nananawagan si Mariko sa sinumang nakapag-tabi ng kanyang tseke na nai-ere ng programa at naibalik na ito sa Showtime.

HININTAY NG MGA nanood ng summer collection launch ng Bench ang pagsusuot ni Jake Cuenca ng sari-saring trunks na ipinalalabas sa malaking video-showing his abs and good body.

Pero ayon sa isang nakausap namin sa nasabing launch, bawal pala sa SM-Supermalls ang pagsusuot ng trunks o underwear sa kanilang mga fashion show na ginaganap doon. Kaya naman, ang abs lang ni Jake na siya ring nakita sa catalogue na ipinamahagi para sa nasabing launch ang pinagpistahan ng mga dumalo roon.

Nagtatanong naman ang mga nagkaroon ng copies nila ng nasabing catalogue kung wala bang retoke sa Photoshop ang napakagandang catalogue ni Jake. Naku, to see is to believe nga, ‘di ba? Kitang-kita ‘yun sa katawan ng inspirado na nga ‘atang talaga sa aktres na si Melissa Ricks, dahil sa iniregalo nitong bagay (is it a Balenciaga bag?) sa dalaga na nagkakahalaga raw ng one hundred thou!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Jake Cuenca, dinismaya ang audience sa kanyang fashion show!

  1. fashion show yun di naman katulad ng pinangalingan nina ejay at jake na gay bar ….malimit kasi tumatambay yan dun sa qcave pag walang pera…

  2. Ano ba’ng drama ng SM? Plano ba nilang maging sarili nilang simbahan? Hindi ba nila alam na kahit abs lang ‘yan, eh, nagiging object of, uh, objectification pa rin ‘yan at nagdudulot ng ‘makasalanang’ thoughts sa mga tao? Ba’t di sila magtayo ng branch sa Afghanistan? lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.