Sipat-eklat: Jake Cuenca, ‘di raw malilimutan ang nangyari sa kanila ni Sam Pinto!

SIPAT: WALA na si ANGEL LOCSIN sa PODER ni BECKY AGUILA. ALAGA na siya ng MANAGER din ni AGA MUHLACH na si Manay ETHEL RAMOS.
EKLAT: MALABO na talagang BUMALIK sa SIYETE si ANGEL. IDENTIFIED si MANAY sa DOS, e!

SIPAT: BAKIT kaya NILAYASAN na ni ANGEL si BECKY?
EKLAT: A) TUMABA kasi siya; B) LUMAYLAY ang CAREER niya; C) MASYADONG MALAKI ang KOMISYON; C) NAKUNSUMISYON na siya; D) ALL of the ABOVE

SIPAT: SISIMULAN na rin ang AGA-ANGEL movie, e.
EKLAT: Naks, DOBLENG SAYA ni MANAY. For sure!

SIPAT: Sey ni MELISSA RICKS, NANLILIGAW na sa kanya si JAKE CUENCA.
EKLAT: NAKAKAKILIG naman!

SIPAT: Sey naman ni JAKE, HINDI niya NILILIGAWAN si MELISSA.
EKLAT: OUCH! OUCH!

SIPAT: HINDI naman daw kasi NANINIWALA si JAKE sa LIGAWAN.
EKLAT: Hmmm… PASPASAN ang TYPE ni JAKE?

SIPAT: Uy, HINDI! MADALAS nga silang SABAY na MAGSIMBA ni MELISSA, ‘di ba?
EKLAT: At ‘pag HINDI nadaanan sa DASALAN… MANLIGAW ng IBA!

SIPAT: Sey ni JAKE, HINDI raw niya MALILIMUTAN ang NANGYARI sa kanila ni SAM PINTO, ang PBB DOUBLE UP ex-housemate.
EKLAT: Hmmm… IMADYININ na lang natin!

SIPAT: Naku, BAKA naman MAGSELOS si WILLIE REVILLAME d’yan!
EKLAT: Hmmm… IMADYININ na lang din natin nu’ng mag-DATE si SAM at PAPI!

SIPAT: BREAK na raw sina JOHN LLOYD CRUZ at RUFFA GUTIERREZ?
EKLAT: Kaya ‘wag nang INTRIGAHIN ang CLOSENESS ng AKTOR kay SHAINA MAGDAYAO.

SIPAT: PINAPIRMA na si CARMINA VILLAROEL ng BAGONG KONTRATA ng GMA-7.
EKLAT: NATAKOT ang KAPUSO na LAYASAN sila ni MINA!

SIPAT: SINO raw ba ang GINAGAYA ni JOLINA MAGDANGAL sa HITSURA niya sa S.O.P.?
EKLAT: A) LADY GAGA; B) TESSA PRIETO; C) MADAM AURING

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sipat-eklat: Jake Cuenca, ‘di raw malilimutan ang nangyari sa kanila ni Sam Pinto!

Leave a Reply

Your email address will not be published.