Jake Cuenca, ‘di raw mabantot ang kanyang hininga!

TAKE MY (BAD) breath away: Kulang na lang, malunod si Jake Cuenca sa sunud-sunod na pagpapatotoo ng mga kaharap na press sa presscon ng pelikula niya with Maja Salvador, Shaina Magdayao and Geoff Eigenmann sa Star Cinema Prodcutions, ang horror flick na Villa Estrella. Diumano, sinasabi at ikinakalat ng kanyang nakasama sa Your Song na si Cristine Reyes na ‘bad breath’ o may halitosis ang aktor!

Sige lang sa pagtatanggol kay Cristine si Jake, even saying na they are good friends at kung sakali, may posibilidad pa nga raw na ma-fall siya rito.

But in the midst of trying to be very much of a gentleman, kahit na positibo ang lumalabas sa mga labi ni Jake, ang patuloy na lang na pagtitiim o pagpipigil sa kanyang bagang ang makikita sa aktor habang kinukudlitan ng mga ha-ha-ha niya. Ayaw raw kasi niyang maniwalang magagawa ‘yon ni Cristine.

At para sa kanya, wala namang katotohanan daw ‘yung hindi siya maingat sa kanyang hygiene, lalo na sa kanyang bibig. Parang nakagugulat lang daw ang balita dahil hindi naman daw si Cristine ang unang leading lady niya o nakasama sa trabaho. Kaya kung totoo raw ‘yun, sana noon pa, may nagreklamo na sa kanya.

BE A MAN(io) enough: ‘Yan ang hamon ngayon ng Star Magic para sa hindi na young actor na si Jiro Manio.

Kaya nga marami ang nagtaka noon nang ‘di ito dumalo sa relaunching ng Tayong Dalawa. Marami na ang nag-isip na malamang na may problema kay Jiro at ginawa na lang excuse ‘yung may sakit ito. Kaya ang tanong nga ng press eh, kung ito na raw ba ang susunod na tsutsugihin sa nasabing teleserye.

Ayon sa ipinadalang statement ng Star Magic at ng ABS-CBN, dahil sa pagpapakita ng unprofessionalism ni Jiro at ang hindi nito pagtupad sa kanyang mga pangako every time na lang na ire-reprimand siya, pagpahingahin na muna ito sa nasabing soap, pati na rin ang pagre-represent ng Star Magic sa kanya bilang artist nila.

Kung sinasabi ni Jiro na nagkasakit siya, imposible namang hindi siya tulungan ng network. Kung nagiging tamad na siya sa trabaho niya at mas pinipili na ang love life sa sabi rin niya eh, babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya, dapat siguro, sa halip na maging pasaway eh, naging inspirasyon pa ito ng mahusay pa namang aktor.

Nakakaloka na ‘di ba? Kung sino ang magagaling, sila ang nagpapakalukresya!

TWO FOR THE road: Ang isa, solong bumaba pa from Baguio. ‘Yung isa naman, banda sila na kinilalang Orgullo de Zamboanga (Pride of Zamboanga).

‘Yung soloista from Baguio na si Benj, eh, isang flight attendant (domestic) pala sa PAL. Sikat ngayon ang cover version niya ng Rod Stewart song na I Don’t Wanna Talk About It na included in his album under Polyeast.

Ang magkakapatid naman from Zamboanga na sina Jimboy, Shalmai, Nuel at Isaac Calisang eh, kikilalanin sa grupo nilang Revelation na ang carrier na Amor Y Sueno mula naman sa Candid Records, eh, ipinagmamalaki ng kanilang mayor na si Celso Lobregat dahil naibabahagi raw ng mga ito ang Spanish derivative na lengguwahe nila sa Zamboanga, ang Chavacano. Nasa field of Medicine naman ang pamilyang ito. At gaya ni Benj, they share the same passion for music.

One road. Same path. Pero which direction will take its natural course-there are two for the road!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Jake Cuenca, ‘di raw mabantot ang kanyang hininga!

  1. Kaya yan Bad Breath Kasi every cut sa shooting yosi agad, Umaga mga 8:00 AM, yosi, bago mag taping, yosi.. Kaya amuy sigarilyo bibig niya, in short, bad breath.. Nakita namin yan sa shooting ng tayong dalawa, ka turn off nga eh..

  2. MAY HALITOSIS TALAGA SI JAKE CUENCA AS IN BAD BREATH SABI NG KAIBIGAN KONG REPORTER NUNG INIINTERVIEW DAW NIYA SI JAKE PARA DAW MAY BUMUGA NA MALANSANG AMOY SA BIBIG NI JAKE HABANG NAGSASALITA ITO PARA NGA RAW MAY DUMAAN NA GARBAGE TRUCK SA MUKHA NIYA HAHAHAH SOBRANG ANTOT DAW!

    • hindi na kailangan magsabi ang kahit sino na bad breath siya. kitang kita naman sa lips niya na maitim at halatang babad sa sigarilyo. pati ngipin pag hindi niya pinalinis maitim ang gaps sa tv screen. obvious ang mga artistang mahilig sa yosi. kaya di maganda ang registration nila sa scree. ilan sa kanila – assunta de rossi and her sis na mukhang untidy; dingdong dantes na dry na dry he’s looking old; vilma santos atbp
      bakit ba ang daming palabas niyang jake sa abs? bagay lang siyang maging goon. may fans ba iyan?

  3. heller cristine wag ka na nga makablik balik sa kapuso! saka ewan ko ba kung ano nagustuhan sau ni dennis trillo. sama ng ugali mo. after mo awayin mga kasama mo sa banana split lilipat ka nman sa 7!

  4. i think nag papaka gentleman lang c jake..alangan nman na patulan niya c cristine noh! to nmang c cristine npaka arte tlga. bka nman hininga niya naamoy niya!

  5. correction..about jake and xtin..its not your song..its phr…ano ba naman to dapat mag news kayo i edit nyo muna at suriing mabut

Leave a Reply

Your email address will not be published.