Jake Cuenca, ‘di lang basta model sa bagong iniendorsong underwear

Jake Cuenca, 'di lang basta model sa bagong iniendorsong underwearSabi sa amin ng manager ni Jake Cuenca na si Niel De Guia, tumagal din ng halos 15 years ang pagiging Bench endorser ni Jake bago siya kinuhang brand ambassador ng Guitar.

Ayon kay Niel, puro mga bagong mukha na raw ang kailangan ng Bench kaya hindi na sila nagulat nung hindi na i-renew ang kontrata ng alaga niya sa kumpanya ni Ben Chan.

Sabi naman ni Jake Cuenca, hindi siya nag-burn ng bridges nang umalis siya sa Bench at mapunta sa Guitar. Pareho raw nilang desisyon na maghiwalay na.

Sa Guitar, ipinagmalaki ni Jake na may say siya sa mga disenyo ng T-shirt at underwear na ilalabas ng kumpanya unlike sa dating ini-endorse na model lang siya. Kasama raw sa pinirmahan niyang kontrata ang magkaroon ng JC series collection.

Jake is on shape again nang makita namin siya sa presscon. Lumabas na ulit ang abs niya at malayung-malayo nu’ng rumampa siya sa fashion show ng Bench. Malaki raw ang nagawa ng series na Pasion de Amor para ma-encourage siyang magpaganda ulit ng katawan.

Nasa Amerika ngayon ang aktor para muling mag-aral ng acting. Twenty two days siyang mawawala sa bansa at pagbalik niya ay posible raw na magsimula na siya ng bagong series sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAllen Dizon, back-to-back best actor sa Silk Road Film Festival; 4 na ang international best actor award
Next articleAlden Richards, matagumpay ang firts solo concert sa Antipolo

No posts to display