Jake Cuenca, bali ang kamay sa aksidente

SA programa nina Marc Logan at Amy Perez ko napakinggan ang balitang pagkaaksidente ni Jake Cuenca noong Martes ng umaga.

 

Sa interview ni Marc sa programa nilang “It Takes 2 to Tango” sa DZMM sa father ng aktor na si Juanto Cuenca, mga alas-siete ng umaga (March 14) sa may bandang SM Mall of Asia nangyari ang aksidente habang nagbibisikleta ang aktor na bahagi ng kanyang training sa sasalihang Ironman competition.

Sa nasabing panayam, sinabi ng ama ni Jake na, “Biglang nag-preno si Jake dahil may malaking truck sa harapan niya.”

Nang maaksidente, nagawa pang matawagan ng aktor ang kanyang driver para sunduin siya mula sa pinangyarihan ng aksidente para dalhin sa ospital.

“He is very much in pain,” dagdag pa ng ama ng aktor during the radio interview.

Sa initial findings, dalawang broken bones sa kanyang kamay at sugat sa baba ang naging resulta ng aksidente sa aktor.

“Ooperahan ang dalawang bali sa kamay ni Jake,” dagdag pa ng ama ni Jake.

Mabuti na lang at hindi fatal ang naganap na aksidente sa aktor.

Kung walang aberya sa schedule, natuloy ang operasyon ni Jake ngayong araw (Saturday, March 18).

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.