Parazzi Chikka: Jake Cuenca at Roxanne Guinoo, bati na?

Maraming chikkang nasagap ang ating miron sa pagdalo n’ya sa 3rd Star Magic Ball sa Shangri-la Hotel. Tulad na lamang ng pag-uusap ni Roxanne Guinoo at Jake Cuenca sa nasabing event. Matagal na ring nawala sa radar si Ate Rox. Sa katunayan, binansagan na nga s’yang ‘Frozen Delight’ ng dos matapos ng isyung bugbugan nila sa Guam ni Jake. Hindi kinumpirma o binigyang-linaw ng Kapamilya network ang totoong nangyari noong gabing iyon – kung bakit umuwi nang may pasa-pasa si Roxanne galing Guam. Kung meron mang bugbugang naganap o wala, nakagugulat pa ring makita ang ex-lovers na si Rox at Jake na nag-uusap na parang walang nangyari.

Bati na kaya sila? Pinatawad na ba ni Roxanne si Jake and vice versa? Magkakabalikan kaya sila off-screen or on-screen? Kailan nga ba magbabalik ang SCQ princess sa TV? Ang daming tanong, pakisagot nga, Rox!

Ni Faith Salazar, Photos by Mark Atienza

Previous articleMga Bituing Tulad Natin: Wala rin silang kotse?
Next articleMartin-Gary poster, nanggaya? – Archie de Calma

No posts to display