Jake Cuenca at Cristine Reyes, naging sila!

GALIT NA GALIT ang mga tagasuporta ni Jake Cuenca kay Cristine Reyes. Ang galit ng mga fans ng aktor ay nag-ugat sa ipinagkakalat ni Cristine na mabaho ang hininga ng guwapong aktor.

Hindi puwedeng mag-deny ang dalaga. Sa dami ng mga napagsabihan niya na may bad breath nga si Jake, hindi na niya alam kung sino ang ituturo niyang nagpalabas ng kanyang kuwento.

Ayaw namang maniwala ni Jake na kayang gawin at sabihin ‘yun ni Cristine. May kumpiyansa rin ang aktor sa kanyang sarili, alam nito na walang katotohanan ang kuwento.

Pero ang mga fans ni Jake ang nanggigigil sa young actress. Ano raw ba ang gustong palabasin ni Cristine, na pagkalinis-linis niya at wala na siyang kapintasan sa katawan?

Sabi ng mga fans ni Jake, “Ang ganda niya naman kasi, e, hindi natural, puro ‘salamat po, doktor’ ang mga parts ng katawan niya. Ang ilong niya, halatado namang ipinagawa niya!

“Nakita na namin siya nu’ng hindi pa siya artista at sumasama-sama pa lang siya kay Ara Mina, hindi naman ganyan ang ilong niya noon! Mamintas siya kung totoo ang kagandahan niya!

“Napakarami niyang kaaway, wala siyang kasundo, ang sarili lang niya ang dapat sisihin dahil masyado siyang madaldal at pintasera!” Sabi pa ng mga tagahanga ni Jake Cuenca.

Baligtarin daw natin ang situwasyon. Paano raw kung mapuno na si Jake Cuenca at ito naman ang magkuwento tungkol kay Cristine, ano raw kaya ang masasabi ng dalaga?

Ang tanong, meron ba namang dapat ibuyangyang si Jake tungkol kay Cristine? Isa pang tanong, masikmura naman kaya ng binata na magsalita laban sa dalaga?

Meron daw. Hindi lang daw natin alam nang detalyado ang kuwento, pero meron palang naging relasyon ang dalawang ito? Natural, dahil naging magkarelasyon nga sila, meron ding puwedeng sabihin si Jake tungkol sa dalaga. Ang tanong na lang ngayon, kung ganu’ng klase ba naman ng lalaki si Jake?

“Galit kasi sa mundo ang babaeng ‘yun, e! Kaya siya ganyan, wala siyang magandang nakikita sa kapwa niya, palagi siyang nega, dahil siya mismo ang may problema sa sarili niya!” Hirit pa ng mga tagahanga ni Jake Cuenca.

ANG AKALA NAMI’Y tapos na ang problema nina Ted Failon dahil nilinis na ng korte at ng NBI ang kanyang pangalan tungkol sa matinding trahedyang naganap sa kanyang pamilya.

Nakabalik na sa himpapawid ang magaling na broadcaster, nakakaya na niyang magpanggap na okey na ang lahat sa kanya. Kahit pa alam naman nating hindi ganu’n kadaling kalimutan ang naganap sa kanyang asawa.

May impormasyong nakarating sa amin na meron pala siyang tinatanggap na death threats. Nanggagaling ang mga pagbabanta sa mga numerong hindi niya kilala. Pinag-iingat ng mga texters si Ted sa paglabas-labas niya ng bahay.

Puwedeng totoo ang mga pagbabanta dahil may mga nasagasaan sa naging resulta ng imbestigasyon ng NAPOLCOM sa pagmamalabis ng ilang awtoridad nu’ng kasagsagan ng kanilang pagluluksa.

Puwede rin namang gawa-gawa lang ‘yun ng mga taong gustung-gustong nakakakita ng mga taong namomroblema at natatakot. May mga tao talagang sa kawalan ng magandang magagawa sa buhay, kung anu-ano na lang ang nagagawa.

Pero kailangan pa ring mag-ingat ni Ted Failon. Paano kung seryoso pala ang mga nagbabanta sa kanya? Iba na ang nag-iingat para hindi siya mapuruhan ng mga taong nagtatangka sa kanyang buhay.

Matindi naman ang kapit ni Ted sa kanyang pananampalataya. Naniniwala siya na kapag sinsero ang panghihingi niya ng patnubay, hindi siya pababayaan. Ngayon siya higit na kailangan ng kanyang mga anak na sina Kaye at Karishma.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

19 thoughts on “Jake Cuenca at Cristine Reyes, naging sila!

  1. hoi!!!!cristy,inggit ka lng kay christine kasi maganda,makinis siya kaysa sayo puno ka ng baboy diyan sa katawan mo,at iyang bunganga mo na puno ng ki ki diyan sa mga ngipin mo…hindi ka parin ngbabago,mabaho ka parin,inggitera ka!.huwag mong siraan sina jake at christine…..magbigay ka muna ng proweba…….at saka si christine maganda talaga yan tingnan mo si ara mina ang gaganda nila,at saka si jake sa tingin mo cristy bad breath si jake?!!!huwag kang mag imbento,kainin mo ang lahat ng mga bad rumors na ginawa mo..magtooth brush ka pagkatapos…tse!!!!!!BABOY KANG DAKU WA NKA NASIPOG SA IMONG GIPNGHIMO SA ILA UG SA UBAN PNG ARTISTA…..GABA RA NIMO NATANGTANG KA SA THE BUZZ……

  2. nako cristy panay tira mo ky cristine..hndi nman masyadong insecure ka nyan..tska panu mu nman nasabi na retoke ha?? my prueba kba ha?? eh maganda na tlga yan noon pa.. dhil lahi nila ang magaganda makikita mo nman sa nanay nila na mganda tlga.. palibhasa inggit ka lng kc wla ka non!!! pwehhh!!!

  3. Oh, my God si Jake ay may bad breath. Ngiiii ! Bakit si Roxy ay tumagal sa kanya ganyang may bad breath pala siya. kaya pala hindi makapasa-pasa kay Melissa eh. At saka kaya pala ayaw makipaghalikan ni Kim Chiu bilang wife sa Tayong Dalawa ay iyon pala ang sikreto. pinalalabas lang nila na mas love ni Kim si Gerald.

  4. hay cristy pangets.. gawa gawa ka na naman ng kwento dyan.halos lahat na lng ng source mo may masasabi, may source ka ba talaga? o ikaw mismo ang source mo. im not a fan of cristine pero obvious na may kinikilingan itong cristy panget na ito.. hindi ka pa rin nag babago.

    matakot ka sa Diyos.. maging fair ka naman kahit paminsan minsan.

  5. sobrang hindi ako naniniwala na gagawin ni cristine yun. haynaku cristy fermin, hindi ka pa rin nagbabago…

  6. mas mabaho pa sa halitosis ni jake cuenca ang lumalabas sa bunganga mo cristy fermin. masaya kami at wala ka na sa the buzz nag pa party talaga kami nung lumabas ang memo mo.

  7. inggit lang ang cristy na yan kay cristine dahil kahit sang katutak na ang pinaretoke niya sa pes niya mukha pa rin siyang unggoy!!!!

  8. Alam naman ng tao na bayaran ka(lucifermen) nobody buys ur story anymore kahit ABS di na naniniwala sa u…

  9. Bkit b pag negative ang story bayaran ang reporter? Kapag maganda naman ang sinasabi hndi nyo sinasabing bayaran sya.

    Hndi kaya kayo ang bayaran ng sardinas at 500?

  10. Wala ng bang istoryang kantutan? THIS IS BORING! BORING! BORING! unless na nag hindutan na rin silang dalawa…

  11. All i know she paid a big amount of money to annabelle because of spreading issues which is not true yes this woman is a liar she looks like a” witch ” look at her face seems somebody full of hatred why are you rude to Cristine? maybe its true somebody paid you for this article.

    • Bakit naman magbbayad c cristy kay anabel 4 spreading news? Tapos sa end ng statement mo si cristy ang binayaran. Di ata nagtutugma english mo, nakakahiya ka. Kabobo mo.

  12. hmmm demolition job ba ito dahil lilipat na si Cristine at bakit si cristy fermin na walang kredibilidad ang binayaran nila para gumawa ng kung ano anong issues which is obvious na hindi naman totoo? at napapansin ko na talagang sinisiran palage nitong bayaran na cristy si Cristine i just wondering why? Hay, itong si cristy hindi na yata titigilan si Cristine nanahimik na nga yong tao paulit-ulit na naman binabalik ang mga lumang issue at parang hinahamon si jake na magagalit kay cristine no effect yang mga gawa-gawa mong storya dahil alam naman ng lahat na sinungaling ka at bayaran kalang diba nagbayad kana ng malake kay annabelle at nawalan pa ng trabaho kaya naghihirap ka na ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.