Jake Cuenca at Bangs Garcia, mag-on na?! – Joey Sarmiento

ISANG MALAPIT KINA Jake Cuenca at Bangs Garcia ang nagsabi sa amin na kumpirmado, silang dalawa na ang mag-on.

Nagkasama sa isang out-of-town show ang dalawa at isang kotse lang daw ang kanilang sinakyan. Sa haba ng biyahe at sa tagal nila sa loob ng kotse, e, halos langgamin na raw sina Jake at Bangs sa sobrang ka-sweet-an.

Sabi pa nga ng aming source, sa sobrang lapit daw ng kanilang mga mukha kung mag-usap,e, para na rin daw silang naghahalikan.

Hmmm…. ano kaya ang mase-say rito ni Cristine Reyes, na nagsabi noon na may problema sa bibig si Jake? Mukhang hindi naman nagkaproblema si Bangs sa bibig ni Jake, huh!

Yap, kahit i-ask n’yo pa sa mga production staff ng Precious Heart Romances kung saan magkakasama rin silang tatlo sa kanilang latest mini-serye. Kahit sila, e, malakas ang duda na sina Jake and Bangs na nga… bang!!!

NGAYON PA LANG ay marami na ang nag-aabang sa iba pang mga litrato ni Krista Ranillo nang naka-panty. Magmula kasi nang na-link siya kay Manny Pacquiao ay marami na rin ang naging interesado sa kanya. Karamihan, mga manyak, este, mga lalaki.

May nagsabi sa amin na marami siyang mga litratong naka-underwear lang na nakunan sa shoot ng kanilang pelikulang Marino, kung saan siya ang leading lady ni Allen Dizon. Sigaw ngayon ng guys, sana ilabas na ang mga litratong ‘yon dahil marami na ang nae-excite sa sinasabing very revealing na photos ni Krista.

Dahil sa matinding intrigang kinasangkutan ni Krista, e, mukhang dumami ang kanyang offers sa commercials, pelikula at teleserye. Mukhang napaganda pa ‘yata ang nangyari dahil sa pagkaka-link niya kay Pacman, huh!

At kapag nagkataon, kung merong Team Pacquiao at Team Jinkee, hindi na rin kami magtataka kung magkakaroon din ng Team Krista. Join kami du’n, he,he,he!

UNLIKE OTHER PERFORMERS, ibang-iba ang dating ng Himig Ariel Scholars ni Kyusi Councilor Ariel Inton na magkakaroon ng first major concert on December 1, 6-9PM sa SM North, Skydome dubbed as “The Coming Out Concert.”

Why? Dahil pang-international ang kanilang performance level. Hataw at talagang seryoso ang kanilang “Dream Girls” at “Michael Jackson” production numbers. Kahit nga si Kuya Germs ay bilib sa kakayahan ng mga batang ito, na karamihan ay taga-Quezon City na tinipon ni Councilor Inton para ma-maximize ang kanilang talent at hindi masayang.

WALA NANG MAKAKAPIGIL pa sa 23rd Star Awards for TV na gaganapin this coming Sunday November 29, sa Grand Pagcor Theater, Sucat, Parañaque. Confirmed na ang attendance ng mga hosts at ‘sangkatutak na mga stars at ito ay maipalalabas din sa Sunday’s Best ng channel 2 that same night.

Abangan ang mga magwawagi at luluha sa gabing ‘yon kaya kitakits na lang.

For reactions, please email mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

2 thoughts on “Jake Cuenca at Bangs Garcia, mag-on na?! – Joey Sarmiento

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.