Jail guard at 1 pa, kritikal sa trip ng adik

KRITIKAL ANG JAIL guard kabilang ang isang kelot na nakatayo sa kalsada matapos pagtripan barilin ng adik habang ang una ay sakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Kapwa isinugod sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina JO2 Edwin Espina, 38, jail guard ng Navotas City Jail, ng Quiapo, Manila, sanhi ng tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang braso at Luis Parambita, 18, binata, ng Galicia St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City, na nagtamo ng tama sa kaliwang hita.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa tulay ng C-4 Bagumbayan South, Navotas City, habang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar nang bigla na lamang itong barilin ng suspek at bago tumakas ay pinagbalingan din nito si Parambita na barilin.

Agad namang isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan upang lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

Sa inisyal ng imbestigasyon, ang suspek ay kilalang adik sa naturang lugar. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.