Jade Lopez, type magka-dyowa ng tomboy!

SI JADE Lopez na isa sa mga unang batch ng Starstruck ay nakausap namin sa contract signing sa FHM. At inamin ng dalaga na kaya siya nawala nang tatlong taon sa showbiz ay dahil walang nangyari sa kanyang career at feeling daw niya ay napag-iwanan siya ng kanyang mga kasama, partikular na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Sheena Halili, Katrina Halili at Cristine Reyes.

“Honestly nu’ng maramdaman ko ‘yun, mas binigyan ko na lang ng priorities ang studies ko. Kasi feeling ko, wala talaga,”
sunud-sunod na pag-amin iyon ni Jade sa Pinoy Parazzi.

Ayon kay Jade, nang mag-offer sa kanya ang FHM, hindi na siya nagdalawang-isip pa na mag-pose dahil alam niyang malaking tulong ito para muli siyang makabalik sa showbiz world.

“No, hindi ko pa naranasang ma-in love sa tomboy. Pero hindi ko sinasara ang door ko sa ganu’ng usapin. Malay mo, baka masarap din… hahaha!” Dugtong pa ng dalaga na may kinalaman sa FHM, kung saan sa cover ng nasabing men’s magazine ay dalawa sila ng Binibining Pilipinas na si Danielle Castano ang magkasama, kung saan ay daring ang kanilang mga kuha.

Sinabi ni Jade na ngayong babalik siya sa showbiz, handa na raw niyang gawin ang mga bagay na hindi niya kayang gawin nu’ng una.

“Pa-sexy? Well, ok sa akin ‘yan. Wala nang magiging problema tungkol sa bagay na iyan dahil hindi na naman ako bata para magpa-cute pa,” pagwawakas ng dalagang cover ng FHM February edition.

KUNG ANG pagbabasihan ay ang publicities na naglalabasan, obvious na sinasalba ng Dos ang po-popularity ni Piolo Pascual. Kung anu-anong drama na lang ang naiisip nilang palabasin para mabawi ang “nasirang” macho image ng aktor matapos na sila ay mag-break noon ni KC Concepcion.

Sa isang interview, wish daw ni Iñigo na sana raw ang amang si Piolo ay makahanap ng isang babaeng tatanggap nang buo nitong pagkatao, bagay na nakapagpataas ng kilay na para bang bagong kumpirmasyon sa kung anong gender meron ang aktor.

Honestly, kung si Piolo lang ay magsasalita, kaya nitong ipag-tanggol ang sarili. Kaya lang, maraming magagaling diyan sa ABS na ang feeling ay bobo at walang kakayahan si Piolo na harapin ang sarili nitong problema. Bagay na hindi nakatutulong sa aktor. Sa totoo lang, halos lahat ng road manager sa ABS-CBN ay parang mga tigreng animo ay lalapa ng movie press na madalas ay nakakapikon na sa kanilang mga inaasal.

Hindi lang kay Piolo Pascual, maging sa iba pa rin nilang artista ay pinagmumukha nilang mga  tanga ang mga ito, na para bang walang sariling mga isip ang mga celebrities nila para maipagtanggol ang sarili. ‘Yan ay sa totoo lang. Tsuk!

 

MUKHANG NAHIMASMASAN na si Derek Ramsay at hindi na matutuloy ang paglipat nito sa TV5. Usap-usapan kasi na matapos na magkausap nang personal si Derek at ilang boss ng Dos, tila nagbago ang ihip ng hangin sa utak ng binata at mananatili na ito sa bakuran ng Channel 2.

At kung ang pagbabasehan ay ang huling linyang binitiwan ni Derek, walang dudang mananatili na ito sa Dos, dahil bukod sa humingi na ng paumanhin ang nasabing TV network sa kung anuman ang ikinasama ng loob ng aktor sa kanila, sunud-sunod daw ang mga project na nakatakdang gawin ng binata.

“Actually undecided pa rin si Derek, kasi mabait at kilala niya personally si Manny Pangilinan at maganda naman ang offer sa kanya sa TV5. Pero marami sa mga taong close kay Derek ang nagsabing huwag siyang umalis sa Dos kaya sa ngayon ay nalilito pa rin siya,” sabi ng aming source.

Usap-usapan, bukod sa pelikula with Bea Alonzo ay may gagawin ding soap opera si Derek, kung saan ang makakasama naman niya this time ay si Angel Locsin.

“Maganda ang offer ng Dos at TV5 kay Derek, pero baka magulat na lang tayo at sa Channel 7 na natin siya mapanood, hahahaha!” Tumatawa pang pagwawakas ng aming kausap.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Jade Lopez, type magka-dyowa ng tomboy!

  1. jade lopez, artista ba yan? mukhang Miss chinatown at ang kapal ng makeup! hawig kay charice parehong namamaga and mukha.

  2. hoy bruhang krissy! bka magulat ka! bagay si Jade sa porno movie! iyung tatluhan na lahat ng butas na pwedeng pasakan ay may pasak! tyaksuperstar sya dun tanga!

  3. sina jennylyn, christine, katrina, sheena at mark may mga star appleal, itong si jade, plain jade, walang kaappeal appeal regarding pagiging artista, in short, hindi artistahin! hahahahahaha

    kawalan nga si derek sa dos kung tuluyan na nilang pakakawalan, sino na lang ang ipapares sa pagkadami daming leading ladies ng dos? paulit ulit na lang na sina john lod, papa p at jerico? nagkukulang naman kasi ng mga matatangkad na leading men ang dos pero sangkaterba naman ang mga leading ladies! hahahahaha

  4. bat palagi ganyan hitsura ni jade? Ang fez lang ang maputi. Buti sana kung totoong maputi, tingnan naman sa may bandang hair dba kita ang brown haha

  5. da who?da who? si jade lopez? another starlet,,,ang GMA7 puro mga starlets walang masyadong sikat meron naman yung mga pinipilit tawaging sikat kuno katulad ni marian.ahahahaha

  6. Go lang ng go Jade Lopez! Sa totoo lang, mas may talent sya compared sa mga kasabayan niya sa Starstruck. Good to know na naka-graduate na siya ng college. Sana bigyan na siya ng malalaking projects!

Leave a Reply

Your email address will not be published.