Jacq Yu, palaban sa hubaran!

NANG LISANIN NI Jacq Yu ang Star Magic nagkasunod-sunod ang kanyang movie project. Bida siya ngayon sa movie na Fling with Rafael Rosell and Lara Morena sa direksiyon ni Han Salazar.

“Naging first runner-up ako ng “Search for the White Castle Girls 2007” nang mag-sign ako ng contract sa ABS. Gusto ko namang ma-experience ang maging freelancer kaya hindi na ako nag-renew ng kontrata sa Star Magic. Ngayon, puwede na akong lumabas sa GMA-7 at TV5, pero priority ko pa rin ang Kapamilya network na nagbigay sa akin ng break.”

Ariba ngayon ang showbiz career ni Jacq, cover ng iba’t ibang men’s magazines. May acting talent, may katawang ipakikita kaya hindi naging mahirap sa kanyang makipagsabayan sa mga baguhan nating artista. “I can do sexy roles, ngayon naman kasi hindi na uso ‘yung kailangang magpakita… more on acting, secondary na lang ‘yung pagpapa-sexy,” sey niya.

Palibhasa, solo movie niya ang Fling kaya bigay-todo ang ginawa niya sa love scene nila ni Rafael. Wala siyang keber maging realistic lang ang eksena nila ng binata. “Sa akin kasi, it’s more on good role na magpapakita ng acting ko as an actress. Nag-topless ako rito, pero very classy ‘yung shot ng director. In good taste talaga, very realistic talaga ‘yung lovemaking namin ni Rafael. Kailangan maramdaman ng audience ‘yung passionate lovemaking namin,” excited na sabi niya.

Palaban talaga si Jacq, walang kiyeme sa hubaran kung kinakailangan sa eksena. “Of course, papayag lang ako kung matino ang pelikula at may relevance ang paghuhubad ko. Depende rin siguro sa director kung sino ang magdi-direk sa akin. Okey lang sa akin, basta maganda ‘yung role, it’s more on acting. Mas mahirap ‘yung role, mas challenging sa akin. ‘Yung drama talaga. Hindi lang katawan ko ang mapapansin ng tao kung hindi ‘yung performance ko as an actress, “ pahayag niya.

Halos lahat yata ng character ay na-portray ni Jacq. “Nag-play na ako ng iba’t ibang characters, nag-comedy, nag-drama na super iyak talaga, alam mo ‘yun. Nag-action din ako. Before kasi na nasa Star Magic ako, ilang beses na rin akong nag-acting workshop… singing workshop… okey naman lahat, game ako!”

Kumusta naman ang working relationship ninyo ni Rafael? “It’s fun working with Rafael kasi kulitan lang kami all the time sa set. Parang buddy-buddy na kami so, komportable na kami sa isa’t isa. At saka, kapag nagsu-shoot kami, kahit may love scene o ano, walang lang, walang ilangan, ganu’n. Very gentleman siya, very professional, so, masayang ka-play si Rafael, ka-play raw… ha-ha-ha!

May kilig factor kay Jacq nang maging sentro ng usapan namin si Rafael. Feeling namin, ang actor ang tipo niyang lalaki. “Yeah, ganu’n! Actually, wala akong masabi sa kanya. ‘Yung ideal na gusto ko sa lalaki, na kay Rafael. Kumbaga, perfect package na. It helps pa na komportable ako sa kanya, kaya sobrang okey. Buti na lang siya ang naging leading man ko rito. I’m very very happy!” Halata mong may laman ang binitiwang salita ng sexy star.

Sa love scene nina Jacq and Rafael, totally nude ang binata. Naka-plaster ang private part nito para hindi raw maramdaman ng dalaga. Parang diaper sa dami nga raw ng plaster na inilagay ng actor sa kanyang haparan. Nasabi tuloy ni Direk Shandi Bacolod, “Malaki siguro ang hinaharap… ha-ha-ha!” Pabirong sabi nito.

Totoo nga, bigay-todo, ramdam mong nadala sina Jacq at Rafael sa eksena kaya lumabas itong realistic on screen. “May chemistry kami on screen ni Rafael kaya nagawa namin nang tama ‘yung eksena. After the shoot, behind the camera, parang walang nangyari. Tsikahan uli kami, ganu’n at saka makulit ‘yun. Nag-jibe together kaya perfect lumabas ‘yung love scene namin,”paliwanag niya.

In real life, seryoso pala kung ma-in love si Jacq, five years nag-last ang relationship niya with his boyfriend. “‘Yung sumunod, three years, walang third party, loyal naman kasi ako. Kapag nagkakaroon ako ng boyfriend, very open-minded ako. Kasi, ako ‘yung tipo na ginagawa ko ang lahat as in lahat just to make the guy happy! Ayaw ko ng boyfriend na sinasakal ka, kumbaga, hadlang sa ‘yo so, hindi puwede sa akin ‘yun.”

Kahit nauwi sa hiwalayan ang mga lalaking nakarelasyon ni Jacq, wala siyang regrets. “Sa bawat relationship, marami kang matututuhan, either it’s good or bad at least na-experience mo. Hindi lang meant to be, na-realize ko na marami pa palang fishes in the ocean, ‘yun, ”aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Jacq Yu, palaban sa hubaran!

Leave a Reply

Your email address will not be published.