Jaclyn Jose in defense of daughter Andi Eigenmann against ex-boyfriend Albie Casiño

ISANG STATEMENT ANG ibinigay ng magaling na aktres na si Jaclyn Jose kaugnay sa intrigang kinahaharap ng anak nito na si Andi Eigenmann sa ex-boyfriend na si Albie Casiño.

Hindi na raw kasi nagugustuhan ng award-winning actress ang ‘di magagandang salita (cheater) na nakalagay sa blog ni Albie patungkol sa kanyang anak na si Andi.

“Andi is not a cheater. What Albie Casiño claims in his formspring account is not true. As her mother, I know Andi best. She is a loving daughter, a professional actress and a decent human being.
“As a family, we value privacy. We try to keep our personal life private, and out of the news. That’s how I’ve conducted myself throughout my career. Same with Andi.
“I decided to break my silence dahil mahirap para sa akin to see my daughter in pain. I love my daughter and have dedicated my life to her and my son.
“I commend Andi for handling this personal crisis with decency and respect. Pinagdarasal ko na matapos na ito. I understand that there are on-going efforts to make that happen. We will give that due course. Thank you for supporting Andi.”

 

KUNG SI JULIA Montes o mas kilala bilang Clara sa hit soap ng ABS-CBN na Mara Clara ay gustong makapareha si Enchong Dee among young actors sa bakuran ng Kapamilya Network, ang co-Gigger Boys naman ni Enchong na si Benjamin De Guzman ay ang kapartner nitong si Erich ang gustong makapareha at makatrabaho sa mga soap ng Dos.

Tsika nga ni Benjamin, isang malaking karangalan sa kanya ang makatrabaho si Erich dahil sikat na sikat ito ngayon. Bukod pa sa magaling daw itong artista at may lalim umarte. Kaya naman daw paniguradong marami siyang matututunan sa young star pagdating sa pag-arte.

Dagdag pa nito na maganda at mabait si Erich na minsan na rin niyang nakasama sa Shout-Out at dito raw siya nagsimulang humanga sa dalaga ng Davao. Alam daw ni Benjamin na ‘di malabong mangyari na magkasama sila ni Erich sa trabaho dahil pareho silang Kapamilya at alaga ng Star Magic.

 

ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT ang nais kong iparating sa lahat ng dumalo at nakisaya sa aking 41st birthday celebration na ginanap sa Skarlet Kitchen Jazz Resto-Bar (dating Ten 02 Bar), na pag-aari ng singer na si Skarlet, last May 15. Naging very memorable para sa akin ang nasabing selebrasyon sa pagdalo sa aking kaarawan ng mga close kong artista, kaibigan, kapatid sa panulat, at minamahal na editors.

Dumalo ang aking long-time friend na si Von Arroyo kasama si Papa Bear, Ogie Diaz, Vaness Del Moral, isa pa sa closest friend ko na si John Nite, indie actor G. A. Villafuerte, Chac Hemongala, Andre Papa, Michael Uycoco (GMA Artist Center family ), kaibigang Henry Hernandez, Ren Escaño, Throy Catan with ex-PBB Teen Clash 2010 Maichel Fideles at ex-Baywalk Bodies na si Angela Maxwell, Adones Buhayan, Lester Buenviaje, Ceo/President of Psalmstre Mr. Jim Acosta with Aldous, Luigi Revilla, Jace Flores, Jovan Dela Cruz of F&S Tailors, Diva Montelaba, Nelson Canlas, Mr. German Moreno with Jake Vargas, Alakdana’s  Louise delos Reyes and mom, Alden Richards, Polo Ravales, Nadine Lustre of Pop Girls/Bagets, Tita Chi Chit and husband singer Gino Padilla, singer Julius Barron, Dela Cruz Family (Tita Komi, Bianca, Jed and Byron), Direk Sean Lim, Dang Cruz, Vangie Labalan with Fil-Am singer Triz Reyes and mom, DJ Jhop with mom and sister, Sherwin, Angelito, my good friend Joy Cancio with sons and mom, PR man Chuck Gomez, marketing man Roy, Jojo, Kuya Jay with friends, owner of Skin Central Kim and Cristine, Tween Hearts Bea Binene and Mommy Karina, Lexi Fernandez, Joyce Ching with mom and dad, Derrick Monasterio with Manny Vallester, Tita Jing and son Justine, Rolan Davila, child star Kim with mom and dad, Mara Clara’s Kathryn Bernardo with mom, SexBomb Sandya and Aira, and my bestfriend Arnell Ignacio and Lee.

Naki-selebra rin ang aking mga alaga na sina Gigger Boys Benjamin De Guzman and family, Hiro Magalona with mom and Dad, Rhen Escaño, Teejay Marquez, and Kristoffer Martin with Mom and dad. Present din ang mga kapatid sa panulat na malapit sa akin sampu ng aking mga editors na sina Rommel Placente, Roldan Castro, Ricky Calderon, Pilar Mateo, Bless Cirera , Ernie Pecho, Mario Hernando, Benny Andaya, Timmy Basil, George Vail Kabrisante, Manny Camacho, Walden Belen, Ruben Marasigan at Ronald Rafer.

Sa inyong lahat, maraming, maraming salamat … hanggang sa susunod na taon.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Jaclyn Jose in defense of daughter Andi Eigenmann against ex-boyfriend Albie Casiño

  1. you know what I agree.. that Albie is one big airhead. no matter what the situation is. asal bakla tong albie na to. dapat dyan pinapaalis sa pilipinas. di bagay ang ganyang asal dito.

  2. no offense but i think albie reacts like a gay guy…whatever the situation is or was, no guy should kiss and tell…whether true or not…

  3. Pingback: Jaclyn Jose in defense of daughter Andi Eigenmann aginst ex-boyfriend Albie Casiño – World of Blogs

Leave a Reply

Your email address will not be published.