Jaclyn Jose, cool mom kay Andi Eigenmann

JACLYN JOSE IS a cool mom when it comes to her daughter Andi Eigenmann’s showbiz projects basta okay ito at hindi makasisira sa imahe ni Andi. Maybe because she is also an artist kaya bukas ang kanyang isip sa mga ganitong bagay.

But will she allow Andi to do sexier and more daring roles in the future? Sa primetime series na Agua Bendita kasi ay madalas na napapanood si Andi na naka-two-piece swimsuit. However, Jaclyn thinks that it is not yet time for Andi to go totally sexy because she is too young for this. “Nag-approve ako roon sa swimsuit na isusuot niya as Agua. Hindi ako mother na maarte, ‘Hindi pwede, ganito, ganyan!’ She is sexy. She can wear two-piece swimsuit pero nakikita ko kasi na inosente iyong mukha niya. Innocent sexy ang ginagawa niya ngayon na bagay naman. Kung flirty sexy baka hindi muna siguro.”

May balita rin na si Andi ang napipisil na gaganap bilang bida sa mga 1980s remakes ng pelikulang Problem Child at Temptation Island which both tackle mature themes. “Napanood ko naman iyong Problem Child at Temptation Island. Walang problema sa akin iyong story. Bahala si Andi kung hanggang saan ang kaya niya. The reason hindi na ako nagwo-worry is because she always asks me, magte-text siya sa akin, ‘Ma, ipinapasuot sa akin iyong ganito. Okay lang ba?’ Iyong communication namin ni Andi no one can take that away from us.”

Andi is definitely not just a pretty face in showbiz. She also has the acting skills which she obviously inherited from her parents Jaclyn and Mark Gil. Proud si Jaclyn dahil sa patuloy na pag-arangkada ng career ni Andi. Maliban sa primetime series na Agua Bendita, si Andi ang bagong endorser ng The Ramp Crossings.

Talagang suwerte si Andi dahil unang sabak pa lang niya sa pag-aartista ay isang lead role na ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Hindi lahat ng mga newcomers ay nabibigyan ng ganitong klase ng pagkakataon. It was said that Andi was handpicked for the challenging role. In Agua Bendita, she plays a dual role – as the twins Agua and Bendita who have opposite personalities and physical differences.

Sabi nga, ‘like mother, like daughter.’ Obvious na may pinagmanahan si Andi ng ganda. Kaya naman hindi nakapagtataka kung maraming boys ang umaaligid-ligid sa kanya ngayon. Is it true that love is blossoming between her and Matteo Guidicelli? Jaclyn said, “Parang may naririnig ako na hindi na sila katulad ng dati. Mas close na yata sila ngayon. Siguro naman kasi dahil tumatagal ang pagtatrabaho nila together. Mas nakaka-relate sila sa mga characters nila. Siguro roon sumasabay iyong relationship nila.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Jaclyn Jose, cool mom kay Andi Eigenmann

  1. I saw the first day appearance of Robin Padilla in Wowowee. This man is oozing in sex appeal. He will be the perfect replacement for Willie. I can’t wait for his movie with Toni Gonzaga. Toni also looks great when she appeared on the show. So simple but also has great sex appeal. I will miss her in SNN. She is the one that I look forward to watching. Boy Abunda is correct when he said Robin is full of charisma.

Leave a Reply

Your email address will not be published.