Jaclyn Jose, ayaw nang magkaayos sina Andi Eigenmann at Albie Casiño!

BONGGA PALA itong si Jaclyn Jose, ha?! Nagulat na lang ako, kasali na pala siya sa Mundo Mo’y Akin sa GMA-7 na magsisi-mula na sa GMA Telebabad sa Lunes.

Kelan lang, nakita ko siya sa TV5, nagkaroon din siya sa ABS-CBN, ngayon naman sa GMA-7.

Bongga, ‘di ba? Kahit saan nakikita mo, kapag magaling ka talaga.

Sabi naman ni Jaclyn, nagustuhan niya ang role niya sa Mundo Mo’y Akin, at si Andoy Ranay ang magdidirek na kaibigan naman niya, kaya Kapuso na siya ngayon.

Sa presscon nga nito, diretso ang mga sagot ni Jaclyn na ayaw na raw niyang magkaayos pa sina Andi Eigenmann at Albie Casiño.

Para ano pa raw, eh napalaki naman daw nila ang apo niyang si Elli na isang masayang bata. Kaya okay lang daw na wala na itong makilalang ama.

Sabi naman ni Jaclyn, bahala na raw si Andi na magpaliwanag sa anak niya kung sakaling magtatanong na ito tungkol sa kanyang ama.

Pero hindi na raw nila kailangan pa si Albie para ipapakilalang ama ng kanyang apo.

Hanggang ngayon nga ayaw na ni Jaclyn na makita pa si Albie. Kaya nu’ng halos magkasabay silang dumating sa nakaraang Star Awards for Movies, nagpasalamat si Jaclyn na hindi niya nakita ang young actor, at baka meron lang daw siyang nagawang hindi dapat.

Kaya ayaw na ayaw niyang makita ito. Masaya na rin naman daw ang anak niya at ang kanyang apo.

Pagdating naman sa lovelife ni Andi na napabalitang nagkabalikan daw sila ni Jake Ejercito, ayaw nang magkomento d’yan ni Jaclyn at baka mapahamak na naman daw siya, at magalit na naman si Andi.

Kaya tahimik na lang ang lola mo!

 

NALOKA AKO nang nabasa ko sa isang diyaryo na inis-nab daw ni Oyo Boy Sotto si Pauleen Luna nu’ng magkita sila sa Eat Bulaga nu’ng nakaraang Sabado.

Nag-promote kasi du’n si Oyo Boy ng sitcom nilang Vampire ang Daddy Ko at nagkita raw sila ni Pauleen sa hallway ng studio ng Eat Bulaga.

Ang nakasulat, si Pauleen daw ang unang bumati  pero hindi raw sumagot si Oyo Boy.

Marami raw ang nakakita, kaya parang napahiya ang alaga ko kaya iyak nang iyak daw ito nu’ng araw na ‘yun.

Siyempre, tinanong agad namin kung totoo ‘yun, pero itinatanggi ng aktres.

Sabi naman ni Pauleen, hindi naman daw niya ipagtatanggol si Oyo Boy kung totoo ngang inisnab siya. Pero bumati naman daw at nagkabeso sila. Kaya unfair naman daw kay Oyo Boy ang intrigang ‘yun.

Ewan ko lang kung ayaw na lang ni Pauleen na lumaki ang isyu, kaya itinatanggi na lang niya ito.

Tingnan na lang natin kung sasagutin ito ni Pauleen ‘pag nag-promote sila ng Unforgettable sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Jaclyn Jose, ayaw nang magkaayos sina Andi Eigenmann at Albie Casiño!

  1. Pingback: Jaclyn Jose, ayaw nang magkaayos sina Andi Eigenmann at Albie Casiño! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.