Jacky Woo, Walang ‘K’ sa Pinoy Walk of Fame!

BLIND ITEM: A production head of a big movie production outfit keeps on knocking on the wood whenever she hears the name of this female young star, who is also a product of an artista search in a Christian Network.

Why? Dahil sinusumpa niya ang “hobby” ng female bagets na makipag-away sa kanyang non-showbiz boyfriend na araw-araw na nagbabantay sa kanya sa kanilang shooting. Meaning, everyday rin silang nag-aaway kaya ayaw na niya itong makatrabaho.

But of course, their constant petty qua-rrels delayed their shootings bukod pa sa nasisira ang maganda na sanang mood ng magandang young star kaya hindi maganda ang nagiging rehistro ng kanyang mukha sa camera.

That is not the end of the worry of the said production head dahil nakaugalian na sa magdamagang out of town shooting ang magtayo ng dalawang tents, complete with an air conditioning unit, isa para sa mga boys at isa para sa mga girls.

Pero heto ang kuwento. The prince charming of the female bagets was not contented staying in his car para du’n hintayin ang kanyang dyowa, dahil nakahiligan na raw nitong pumasok sa female tent para du’n bantayan ang kanyang gf, to the dismay of other female artista dahil hindi sila nagkakaroon ng privacy with the guy’s presence.

The production head continues on knocking on the wooden table until the rice was served. Du’n lang natigil ang kanyang pagkatok… getz?

WHO? JACKY WOO? The Japanese personality who made his way to the local boobtube? Will be immortalized via his own star in the Walk of Fame in Eastwood City come December 1?

Totoo ba ito or nasobrahan lang sa puyat si Kuya Germs na siyang nagbibigay at nagtatakda ng mga personalidad na dapat bigyan ng star sa local version ng Hollywood Walk of Fame?

Aside from producing his own TV show noon sa Channel 13 at pagpo-produce ng ilang pelikula para maging vehicle niya to become popular, ano pa nga ba ang masasabi nating immense contribution niya sa local entertainment industry para mabigyan siya ng ganu’ng klaseng karangalan, not to mention na hindi naman siya talaga Pinoy dahil isa nga siyang Japanese?

E, kung tutuusin, e, marami na ring mga Pinoy celebrities ang nakagawa nu’ng nagawa niya. Baka nga sobra pa sa kanyang mga ginawa kasi hindi naman talaga big deal ang mga ‘yon and we should stress na ginawa ni Jacky Woo ‘yon for himself to become popular in the Philippines. ‘Yon naman talaga ang motibo niya.

Sigurado, maraming mga Pinoy artists ang maiinggit sa mangyayari at kung matutuloy ang star ni Jacky Woo.

Siyempre, feeling nila na mas deserving sila kaya hindi maiiwasan ang may magtampo.

Suggestion lang namin, why can’t Kuya Germs create a committee or a credible working group that he, himself, will head para mag-screen, mag-research at mag-affirm ng mga nararapat na i-immortalize sa local version ng Walk of Fame,’di ba?

Kapag nangyari ‘yon, baka instead of “woo” (as in boo) ang makuha niya, e, makarinig tayo ng “wow” from our co-lleagues in the industry.

BLIND ITEM: HETO ang sabi ng dating ma-tinee idol habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga friendship sa isang resto sa Roces Ave.

“Dapat lang, mabulok siya sa kulungan kasi, kahit mga kaibigan niya rito sa showbiz, e, nilalaglag niya noon. Ngayon, siya naman ang nalaglag,”sabi pa ng guwapo pa ring aktor na sobrang kulit.

Ilan lang naman ang mga artistang nakakulong kaya piliin n’yo na lang kung sino ang kanyang tinutukoy, hane?

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

3 thoughts on “Jacky Woo, Walang ‘K’ sa Pinoy Walk of Fame!

Leave a Reply

Your email address will not be published.