Jacky Woo, sasabak na naman sa pagpapatawa

Jacky-WooMULI NA namang masusubok ang galing sa komedya nina Jacky Woo, Kevin Santos at Michelle Madrigal ngayong gabi (Friday) dahil sila ang mga guest sa Bubble Gang ng GMA 7.

Maaalalang isang mahusay na international actor si Jacky Woo na ‘di lang sikat sa bansang Japan kundi maging sa iba’t ibang bansa. Bukod nga sa pagiging actor nito ay isa rin itong producer ng mga pelikula at isang certified singer.

Hindi man Pinoy si Jacky, aminado itong na-in love siya sa Pilipinas at may pusong Pinoy. Kaya naman daw everytime na may gagawin itong pelikula, maraming mga Filipino actor and crew ang isinasama nito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.